Walang pakundangan at walang ka warning-warning…
Ang Jologs Socialite… ay Sosyalera na!
Tama ang nakikita mo at hindi maling page ang pinuntahan mo. May domain na si Leyn. Actually, nabanggit ko na rin dati na may nag-aalok na sakin na mag-sponsor ng aking website. Na delay lang ang implementation dahil sa iisang dahilan – wala akong maisip na domain name.
Kung mapapansin nyo, walang kakwenta kwenta ang url name ko sa blogspot. Leynv. Nakakalito tandaan. Walang identity. Kaya sa pagkakataong ito ay nag-isip nalang ako ng mas madaling tandaan na pangalan – Sosyalera.
Ang blog na ito ay sequel lamang ng Jologs Socialite. Walang anumang pagbabago sa istilo ng pagbo-blog at as usual ay bawal pa rin mag comment. Hindi rin panlaban sa contest ang page na ‘to kaya sa mga bloggista dyan na takot sa competition ay ‘wag nyo na ko idamay sa threats nyong sumikat dahil i have a life.
Eh bat nga ba ko nag domain? Una, gusto ko lumipat ng wordpress dahil mas maganda sa mata ang mga layout. Since magpapalit na rin naman ako ng blog server ay pinatulan ko na ang domain dahil barya lang naman ito para sa nag-finance. Pangalawa, balak ko talagang gawin tong tambakan ng graphics portfolio ko for further references pero dahil wala pa naman akong malagay ay gagawin ko muna syang blog. Pangatlo, wala na akong maisip. Dalawang dahilan lang pala.
Aaminin ko, hindi ako blog savvy. Malandi lang talaga ang layout ko. Ni hindi ko alam ang silbi ng Technorati o kung anong ka ekekan para dumami ang hits ko. Trip ko lang talaga magkaroon ng chiklet*. Kaya nagpapasalamat ako sa mga hindi ko kilalang tao na nagmemessage sakin sa YM para i-compliment ang Jologs Socialite blog. Winner kayo!
Binase ko rin ang aking Blog Roll sa mga taong nag-kumento sa aking second to the last post sa blogspot. Sa totoo lang ay hindi ko dapat lalagyan ng blog roll pero baka sabihin ng iba ay napaka sama ng ugali ng blog ko dahil bawal na ngang mag comment eh wala pang links.
Gusto kong magpasalamat kay KDR dahil sya ang tumulong sakin paganahin ang domain+host ko. Malay ko ba kung pano ‘to. Haha. At credits sa aking mga sub sponsors tulad ng pictures etc.
Ang Sosyalera.net ay pag-aari ni Leyn. Sa mga bibisita, marapat lamang na magpaalam kung may kukunin kayong larawan o entry. At higit sa lahat, ipagbigay alam kung mangongopya ng ideya para hindi kayo pathetic sa tingin ng iba.
At muli, nagpapasalamat ako sa lahat ng mambabasa ko sa blogspot.
Isang malaking eks-Oh-eks-Oh sa inyo at mabuhay ang mga Jologs na Sosyal!
Love lots,
Leyn

