February 7, 2011 @ 12:00 am
Ang Pambansang Pasalubong
Random Question of the Day:
Tuwing may kaibigan kang magbabakasyon, anong unang bagay ang ine-expect mong matanggap?
Sa Cebu, dried mangoes? Sa baguio, walis? sa Davao, durian? Pwes, wag ka na umasa dahil kung hindi naman kayo close at hindi ka naman naalala pasalubungan, ang matatanggap mo lang naman ay isang tumataginting na keychain.

Kaya hindi Dunkin Donut ang “Pasalubong ng Bayan” kundi Keychain. Actually, pare-pareho lang naman ang mga keychain sa Pilipinas. Kahit magpunta ka sa Baguio ay may surfboard na keychain at ‘pag nagpunta ka sa Boracay ay meron ding strawberry keychain. In fairness to the keychain, maganda rin syang sukatan ng friendship at least you get to know kung sino ang hindi nag-eeffort na magpasalubong sayo. Kaya sa susunod na makakatanggap ka neto, ibig sabihin hindi ka special. Hehe.
Filed under pinoy jologs culture, random question Permalink · No Comments »




