Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








pinoy jologs culture Archive

March 28, 2012 @ 4:00 pm

Magnum: Ang Popsicle ng mga Sosyal

Medyo nakakairita na.

Not a Magnum hater here, okay? Isa lang naman ang difference ng mga adik sa Magnum at galit na galit sa mga adik sa Magnum ang mga adik sa Magnum, pinipicturan ang ice cream nila. Ang mga haters naman, hindi.

Yun lang.

Kasi pare-pareho din lang naman tayo nagpauto sa pagiging mainstream ng Magnum na ito. Lahat naman tayo bumili, mapa-adik o hindi. Malamang nga natikman mo pa lahat ng flavors e.

Kaya utang na loob, wag nga kayo mag-away away. Ice cream lang yan. Lol.

Post to Twitter

Filed under pinoy jologs culture No Comments

March 12, 2011 @ 12:00 am

Para sa mga Tubero

Para sa National Plumbers Association o kung meron mang ganyang asosasyon

Please lang, paghiwa-hiwalayin nyo naman ang advertisement nyong mga tubero dahil nalilito ako kung sinong dapat tawagan. Si Tubero John ba? Si Tubero Ton o Tubero Sammy? Hindi to magandang marketing strategy para sa inyo, masyadong mahigpit ang kumpetisyon.

Post to Twitter

Filed under pinoy jologs culture No Comments

February 21, 2011 @ 11:00 am

Mahal kow Kayow

So, were you able to watch Taylor Swifts concert last weekend? If yes, then good for you. Perhaps Im no fan of foreign artists doing concerts here because I already know the whole event line up the artist sings, introduces the latest songs, sings again while dancing, the concert ends and when people start shouting MORE!, the concert resumes and so on. Boring.

Joke lang, Im just bitter. Wala na kasi akong pambili ng ticket. Lol.

But seriously speaking, I was wondering why almost all foreign artists learn only one tagalog phrase which is Mahal ko kayo.

Ma-hal kow ka-yow to be exact. After hearing this, the crowd goes wild which is a usual scene that I heard also happened at Taylor Swifts concert last Saturday. Aside from Mabuhay, why not shout Astig pala dito or Iniibig ko ang Pilipinas. Its not that hard, right?

So to Justin Bieber wholl visit Manila this coming May, start practicing Tangina nyong lahat for your concert and I swear Ill love you to bits.

Post to Twitter

Filed under pinoy jologs culture, showbiz No Comments

February 10, 2011 @ 12:00 am

Younghusband

Hindi pa man din tayo nakakaget-over sa pagkamatay ni Former AFP Chief Angelo Reyes ay may bago nanamang pag-uusapan ang bayan ang Philippine Azkals. Salamat sa kanila at medyo nakalimutan ko na ring may sumabog na bus sa EDSA last month. Bagamat pa seesaw-seesaw ang emotion natin patungkol sa mga current issues ng Pilipinas, hindi tungkol dyan ang entry na to, dahil habang tensyonado ang lahat sa football game kanina ay iba ang inaatupag naming magkakaibigan habang nanonood ng laro.

Iniisip namin kung bakit ang sosyal pakinggan ng mga apelyidong english at parang pumapangit na kapag-tinagalog, tulad nalang ng Phil Younghusband (Batang Asawa). At iba pang surnames tulad ng:

Underwood (Ibaba ng Kahoy)
Stronghold (Malakas Kapit)
Shoemaker (Magsasapatos)
Hightower (Mataas na Tore)
Mansfield (Bukid ni Manong)
Washburn (Hugas Sunog)
Barclay (Kwadradong Putik)
Grossman (Kadiring Tao)
Littlefield (Maliit na Bukid)
Duckworth (Halaga ng Pato)

Etc.

Chaka lang. At hindi ko rin alam kung bakit pinoproblema namin to. Haha. But anyway, congrats to the hot hunks of Azkals! More winnings to come! Pa-kiss nga!

Post to Twitter

Filed under pinoy jologs culture No Comments

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin