June 28, 2010 @ 12:00 am
Window Shopping
Bukod sa softfrinks at Cinema One, ang isa pa sa mga bisyo ko ay ang pag-mmall. Nang minsan ngang nagbiro ang kaibigan ko na baka naman hanggang Robinsons Place Sta.Rosa Laguna eh nakakarating na ako… nagulat sya nung sinabi kong nakarating na nga ako dun. Ganun ako ka-adik sa pagma-mall. Hindi naman para tumambay sa foodcourt pero para mag-window shopping.

At dahil sa madalas kong mag-malling, nagkaroon ako ng obserbasyon tungkol sa mga tao habang sila ay namimili: na hindi sila nagtatagal sa loob ng isang boutique nang mahigit sa isang minuto.
Una, mare-realize nila na mahal ang presyo. Wala silang pambili.
Pwedeng mabaho sa loob sa boutique. Tulad nalang sa All Flip-Flops na amoy goma sa loob.
At ang pinaka-dahilan ng lahat, sumusunod yung saleslady sa bawat galaw mo. Sa totoo lang, bwisit na bwisit ako kapag nakabuntot sa akin yung saleslady. Pero ipokrita ako dahil naiinis din ako pag hindi nila ako pinapansin na para bang wala akong pambili.
(At para sa mga nakaka-relate, meron akong tip. Kung ayaw nyong ma-feel awkward habang nakasunod ang saleslady tapos nakita mong sobrang mahal ng mga presyo, wag kang mag-panic. Magtanong ka lang kung may ibang kulay yung dinampot mong item. Yung tipong mga out of this world na kulay – periwinkle, vermilion, turquoise, ganun. Tapos pag sinabi ng saleslady na “wala”, saka ka mag-thank you at umalis. Lol.)
Filed under pet peeves Permalink · No Comments »






