Category Archives: movies

Pinoy Cast of Characters

0
Filed under movies, tv programs

Isa ako sa milyung-milyong Pilipino na hindi mabubuo ang araw na hindi nanunuod ng TV. Kung anu-anong series na nga ang nasubaybayan ko mula sa sosyal na Gossip Girl hanggang sa pang-masang Rubi. At sa ilang taong pagkahumaling ko sa TV at local programs, may mga artista at karakter nang nabuo na sa isipan ko na mukhang hindi na magbabago. Yung tipong unang tingin mo pa lang sa artista, kahit hindi mo alam ang storya o iba-ibang programa man sila masali, ay alam mo na kung anong role nila:

Dick Israel - Gumaganap bilang lasenggerong kumpare o kaya manggagantso.

Jason Abalos - Ang role nya ay 3rd wheel sa isang relasyon. Wala kasi syang ka love team kaya kadalasan sawi sa pag-ibig mula sa bidang babae. Kung hindi naging pari si Dominic Ochoa sa May Bukas Pa ay sya na ang 2nd runner up sa karakter na ‘to.

Alessandra de Rossi - Nagmamaldita o kontrabida. Laging pinagkakaitan ng pag-ibig at naninira ng relasyon.

Ryan Eigenmann - Bad boy na mayaman. May tendency na mang-rape o makipag-basag ulo dahil hot tempered sya o lulong sa drugs.

Kitkat, Tuesday Vargas, Kathleen Hermosa at Nikki Valdez - best friend ng leading lady na laging may side comment. Kadalasan, baduy at colorful sila manamit.

Beverly Salviejo - Maingay na tyahin o chismosang katulong.

Kris Aquino - pa-goody ang karakter. Kung anong kinadaldal at taklesa nya sa paghohost ay sobrang lamya at pa-drama ng kanyang mga role. How ironic.

Chinggoy Alonzo - Ang rich daddy. May kaakibat na Don sa unahan na pangalan neto. Kadalasan ay may sakit sa puso at pag namatay ay pag-aagawan ang kayamanan nya.

Lilia Cuntapay - White Lady.

Marami-rami pa yan, paniguradong may naiisip ka rin. At in fairness, swak naman sa acting at itsura nila, pwera kay Kris. Mas makatotohanan ang dating ‘di tulad ng mga artistang mainstream – mga mestisong gumaganap bilang iskwater o conyong mayaman na baliko naman mag-ingles.

Post to Twitter

Kimerald

0
Filed under movies, pet peeves

This is not a film review of Paano na Kaya because obviously, the trailer itself already tells the plot of the movie. It’s just a conventional teenybopper love story with pick-up lines like “It’s not you Bogs, it’s me”.

Paano ko nalaman? Dahil napanood ko, bakit ba. Napansin ko lang na habang pumapasok kami sa sinehan ay may mga pa-kunwari pang nahihiyang manood. Kesyo may sinasabi pang “bakit kasi ito pinanood natin, ang baduy blah blah…” samantalang di naman kagandahan ang get-up nila at kung makapag-salita ay di malaman kung san pinulot ang accent. Bibili-bili kayo ng ticket tapos mag-iinarte kayo. Chura nyo! Lol.

Samantalang ako, ngiting-ngiti pang pumasok sa sinehan at may baon pang french fries with softdrinks. Haha.

Marami sa atin ang may ganitong attitude, kunwaring pa-arte in public. We’re all jologs in a way, please. At kung ayaw mo talaga ng mga baduy na bagay ay panindigan mo. Hindi yung tipong ‘pag wala ng tao ay tutok na tutok ka naman sa mga tagalog movies kapag pinalabas na sila sa Cinema One.

Post to Twitter

Metro Manila Film Fest

0
Filed under movies, pinoy jologs culture

Nalalapit na ang kapaskuhan, ibig sabihin, panahon na rin ng pamamayagpag ng mga pelikulang Pilipino para sa Metro Manila Film Fest 2009 o MMFF. Excited ka na ba? Ako hindi. Naging tradisyon ko na ang manood ng kahit isa sa mga MMFF entries kung may bali-balitang isa sa mga pelikula ay maganda ang plot. Pero ngayong taong ‘to, hindi ko alam kung anong pelikula ang pag-aaksayahan ko ng pera. Para kasing dejavu lang ang mga storya nila:

Ang Darling Kong Aswang
As usual, ang bida ay si Vic Sotto at may batang leading lady na maputi at makinis, si Cristine Reyes. Overrated na kasi kung si Kristine Hermosa ulit, naka-apat na Enteng Kabisote na sila. Papatok nanaman ‘to dahil pambata ang storya, at sa trailer palang, alam mo na ang mangyayari sa buong pelikula.

Nobody Nobody, but Juan
Mawawala ba naman ang slapstick comedy ng mga Pinoy? Syempre hindi. Asahan mo na may batukan at hampasan ng sidekick para lang magpatawa kaya wag masyadong umasa na mapapatawa nito ang may sense of humor. Hindi rin mawawala dito ang kantahan at sayawan sa ending.

I Love You, Goodbye
Akala ko, gagawa ng kakaiba ang Star Cinema para sa 2009 MMFF. Yung tipong mala Dekada 70 o Bagong Buwan. Pero sa di malamang dahilan, love story ang entry nila ngayon at binase nanaman sa isang kanta ang titulo.

Ang Panday
Kapag action movie entries ng MMFF ang pinag-uusapan, kung hindi si Lito Lapid o Jinggoy Estrada ang bida, eeksena na si Bong Revilla. Patok din ito sa kabataan dahil sa mga special effects at action scenes na pwede DAW ipanlaban sa mga Hollywood movies.

Mano Po 6: My Mother
Iniisip namin kung magkakaroon kaya ng My Boo, My Sharona o My Documents (wenk hangkorni). Pero hangga’t nandyan si Mother Lily, ay laging may Mano Po entry. Umiikot ang storya sa Filipino-Chinese life na may kasamang sampalan at drama. Sila-sila rin ang gumaganap sa movie series na ‘to: Si Zsazsa, Heart, Kris, Dennis Trillo, etc. Maaaring umabot din hanggang Part 11 ang Mano Po tulad ng Shake Rattle and Roll.

Shake Rattle and Roll XI
Kinalakihan na natin ang horror movies ng SRR. Mula sa Undin ni Manilyn Reynes hanggang sa Pridyider ni Janice De Belen. Laging may tatlong kwento ang pelikulang ito at kadalasang gumagamit ng prosthetic makeup at mga nakakadiring halimaw para makapanakot.

Wapakman
Isa lang ang tanong ko, manonood kaya si Jinkee Pacquiao neto?

Though this year’s entries have the usual Pinoy movie approach, we can’t totally judge unless we’ve watched them all. Pero makikibalita nalang ako kung anong pelikula ang dapat panoorin o kung meron nga bang karapat-dapat panoorin. Or better yet, hihintayin ko nalang sa Cinema One.

Post to Twitter

Team Edward o Team Jacob?

0
Filed under movies

I’m not a fan of the Twilight Saga and I haven’t read any of its books. Pero dahil hindi ako papayag na wala ako sa uso ay nanood ako ng part 2 ng Twilight, ang New Moon. We were laughing the whole movie time especially that we were seated next to screaming fan girls and gay people who kept on whispering side comments whenever there are shirtless guys on the scene. Laugh trip.

I’m pretty sure some of you have already read some reliable New Moon reviews so I won’t take this seriously. There are just a few points that caught my attention:

Bakit tuwing lalabas si Edward Cullen ay slow motion ang effect? Okay sana yung unang scene na lumabas sya para may oras pa magtitili ang mga fans. Pero even on the 2nd, 3rd, 4th appearance, slomo parin ang paglalakad.

Bella stands too close to anyone who talks to her. Parang may kissing scene sya lagi.

Sorry Team Jacob, pero hindi sya close-up material.

Ang cheesy nung setting na tumatakbo si Edward at Bella sa woods. Once more, in slow motion.

Walang masyadong aksyon at puro salitaan, but who cares? Mapapansin pa ba ito sa kabila ng walang humpay na scenes ng mga machong lalaki na may perfect torsos?

Ang cool ng mga man werewolves, naka-shorts and rubber shoes lang buong movie, umulan man o umaraw. Amazing!

And again, never ending exposures of topless boys flexing their pecs.

This movie is recommended for Twilight fans who are so in love with the princes of the book (or for some plain viewers who just want to see a bunch of shirtless men), but for casual moviegoers like me, I guess not. Regardless of the dark concept, cheesy lines and emotionless acting, I’m still watching the next movie and hoping for improvements…

…and less abs. :|

Post to Twitter

Artsy Fartsy

0
Filed under movies, pet peeves

I want to have a copy of this movie, the trailer itself is interesting.

The concept of this film reminds me of college. An art professor once asked us to write a reaction paper about his painting and associate it with politics. He’s an abstractionist. He pulled out one of his canvases – a painting of an open window with a pair of pants nearby. As the whole class was pretentiously amazed by his so-called artwork, I asked mysellf, ano naman ang masasabi ko sa isang pantalon sa sampayan sa tabi ng bintana? Eh wala naman talaga. While the rest were like woah, ideas overflowing!

Che! Ampaplastik.

May nakapagsabi nga sakin na sa mundo daw ng sining, mas weirdo, mas patok. Kaya aminin mo, hindi lahat ng art ay maganda, at maaaring ang interpretasyon mo ay iba sa pananaw ng lumikha.

Post to Twitter

In My Life

0
Filed under movies

Random question of the day…


Ba’t ba sila nakatingin dun???

Post to Twitter

KimmyDora

0
Filed under movies

Gusto ko lang sabihin na natutuwa ako at napapayag ko ang ka date ko kaninang manood ng Kimmydora kahit nung una ko syang inaya manood nito ay sinabihan nya lang ako ng “Yak!”.

Ahaha. Laugh trip. All I can say is, Eugene Domingo is more than a sidekick.

Post to Twitter

Titulo ng Kanta o Pamagat ng Pelikula?

0
Filed under movies, pinoy jologs culture

Forevermore, Till There Was You, My First Romance, Let The Love Begin, Now That I Have You, Can This Be Love, Don’t Give Up on Us, Close to You, All About Love, You Are the One, I’ve Fallen For You, When Love Begins, Till I Met You, A Very Special Love, Love Me Again, You Changed My Life, And I Love You So…

Hindi ako naglilista ng mga paborito kong kanta. Yan ang mga title ng mga makabagong pelikula. Bakit nga ba panay lyrics ng love songs ang naiisipang gawing titulo ng storya? Sa palagay ko, napapaghalo-halo lang yung mga salita tulad ng MY, LOVE at YOU. Mahirap na tuloy tandaan kung ano na nga ba yung napanood mo dahil halos pare-pareho nalang kasi. Hindi lang sa pamagat, pati konsepto at daloy ng kwento.

Ano pa nga ba ang ibang stereotype sa mga makabagong pelikula?

  • Si Vhong Navarro ay lead sa mga comedy movies at paniguradong magpapasikat sya ng isang novelty song na may kengkoy na sayaw.
  • Ang mga love story na pelikula ay kadalasan nalang may “love scene”…
  • At nagpapalit palit lang sila ng ka-love team.
  • Magkakaroon parin ng sequel ang Ang Tanging Ina N’yong Lahat.
  • Magaganda at Tisay ang mga leading lady sa comedy movies kahit swanget ang bida o sidekick.

Cliché noh?

Now I’m really looking forward to that rumored Ninoy-Cory Movie project, para maiba naman. I hope the producers give justice to an inspiring life story of modern heroes. Wish ko lang, hindi Tie a Yellow Ribbon Round the Old Oak Tree ang title ng pelikula.

Wenk!

Post to Twitter

Peluka Pelikula

0
Filed under feature, movies

Last weekend, I watched  You Changed My Life with some friends para maiba naman ang kajologang trip. Well, the movie is erm… cute. And Star Cinema indeed has a thing with Weird Hairstyles.

I understand, having a trademark hairstyle can be a technique for the characters’ personalities to be remembered. Pero, sino ba namang maglolosyang na buhok like these, especially if you have the face? Are wigs included in costume design? Then I give the designer 1 point for effort.

Hay nako, they should have hired my friends instead…

Try blonde.

Post to Twitter

Twilight Fan Girls

0
Filed under cheap thrills, movies

I watched Twilight the movie, like thousands of girls did last weekend. In case you’re interested or planning to watch it, i bet you already read the online reviews about the movie. Fairly I noticed that the reactions are 50/50 – some people say it’s good and others were disappointed. In my opinion, Bella’s (written) awkward attitude seems to be a bit overrated.

Pero hindi yan ang punto ko. Kung sakaling napanood mo na, malamang ay na obserba mo ang iba’t-ibang kyut na fangirlism virus. Paniguradong kahit isa sa mga ito ay napansin mo rin o malamang ay isa ka sa kanila.

1) Kahit hindi pa ako nakakapaglakad sa pila ng bilihan ng ticket, kumpul-kumpol na mga High School Girls na naka-uniform ang nagkalat sa mall. For sure ay manonood sila ng Twilight.
2) May ilan ilan o kahit isang babae ang humiyaw nang pumasok na si Edward Cullen sa scene ng pelikula.
3) Natatawa lang kami at pati ibang mid 20s na nanonood dahil parang antatanda na namin para sa mga cheesy na eksena habang napapa “aaaawwww” ang youth audience.
4) Kung die hard fan ka ay wag kang magsama ng boyfriend dahil maaaring chick flick movie lang ang tingin nya dito at paselosan pa ang hot na vampy.
5) Matapos ang palabas, paniguradong may mga nagpipicturan sa malaking poster tulad nito:

Ahihihi. We’re not picking on them. Ang kyut nga nila tignan knowing that I was also a fan girl way back on my early years – nang mga kapanahunang patay na patay ako kay Tuxedo Mask. Hahaha!

At ang pinakahuli, napasin ko na halos isa lang ang reactions ng mga fan girls after manood ng Twilight…

…nag hyperventilate daw sila.

Tissue please.

Post to Twitter