Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








friends Archive

September 28, 2008 @ 6:22 am

Atenista. Lasallista. Atellista.

Sosyalera in a conference, talking to an Atenean and Lasallian friend.

FYI, my friends Macoy and Angela came from the 2 rival universities… and they’re actually a couple. Haha.

Hindi ko alam ang history ng school rivalry ng Ateneo at La Salle. People have the perception that these two giants are opponents in different fields – contests, work, showbiz, sports, money. Though in real life, sila sila rin naman ang magkakaibigan, magbabarkada at magso-syota. ‘Wag ka nang magkaila, kung isa kang Atenista ay malamang kahit isa ay may kaibigan kang taga-La Salle and vice versa. Ironic pero cool.

Bakit hindi nalang ibang eskwelahan ang pag-awayin… tulad ng UST at CEU. O kaya Adamson at UE. At mas malupit kung MCU at Fatima University. Wahaha! Nahihirapan tuloy ako kung anong Adidas jacket ang bibilhin ko. Months ago, the Ateneo-LaSalle collections were realeased. At tulad ng shutter shades, malamang ipa-customize ko nalang din.


Ayan, para walang magalit sakin.

Post to Twitter

Filed under fashion, friends · Comments Off

September 7, 2008 @ 8:02 pm

Friendster Pose

Itaas ng konti ang camera phone,
I-tilt ang ulo patagilid,
Mag-slight side view,
ipilit na ikaw ay may dimples,
and say CHEESE!

Sino nga namang hindi makaka-distinguish sa tinatawag na Friendster Pose?


Sorry nalang sa mga kaibigang dinamay ko na hanggang ngayon eh nakikitaan ko pa ng “Friendster Pose”. Anuvah, antatanda nyo na! Nyahahaha.

Sino bang promotor neto, dinaig pa ang traditional na 1×1 picture. Aminin natin na nakakadaya ang ganitong anggulo dahil magmumukha kang cute. Pero in fairness ay nalalaos na ang FS pose dahil natabunan na sya ng Starbucks pose, Picture with bf pose at mga pictures na nilagyan lagyan ng mga clip arts sa gilid.

Baka naman sabihin nyo eh not guilty ako sa ideyang ‘to? Hindi no…


Wahahahaha. Tangina Yak.

Oo na, friendster pic ko yan 4 years ago. Kinabog ang modeling pictures ko. Sorry naman, nakiuso lang. :P

Post to Twitter

Filed under cheap thrills, friends · No Comments »

August 26, 2008 @ 8:59 am

Colorful Wig

Isang tipikal na araw sa dati kong trabaho:

1) Dadating ako ng mga mga 30 minutes before our office hours. Bubuksan ang PC, YM at mga illegal sites habang kumakain ng Nissin’s Yakisoba.
2) Pangalawang dadating si Philippe, tatanungin ako ng “what are you doing?” at aayain akong magyosi.
3) Pagkatapos mag yosi, dadating si Jed. Nakangiti habang naglalakad at dala ang kanyang gitara.
4) Pinaka huling dadating si Dax. Mga 1hour late. Bubuksan nya ang kanyang malaking bag at mabubulabog ang aming pagtatrabaho…

Anong meron sa bag ni Dax?
Eto…

MGA WIG!!! Sa loob ng 8 oras na nasa opisina, mga 2 oras lang kaming nagseseryoso. Ang highlights ng buong araw namin ay magchismisan, magtawanan, magpicturan, magsuot ng wig/costume at kumain.

Ngayon, ang tipikal na araw ko ay pumasok, magseryoso, deadmahin ang break time sa dami ng ginagawa, kumain, magtrabaho ulit…

at lahat ng ito, ay ginagawa ko na nang wala sila. Wala nang Philippe na nangungulit na samahan ko syang magyosi, wala nang Jed na nagpipicture sakin tuwing patago akong natutulog at wala na rin si Dax na may dalang malaking bag na naglalaman ng makukulay na wig…

… at dahil dito, namimiss ko na sila.

Gusto kong batiin si Jed ng Happy Birthday sa darating na Aug 31. Isa siya sa mga naging totoo kong kaibigan, walang halong pambobola at walang halong kaplastikan.

Post to Twitter

Filed under friends · Comments Off

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin