Usapang Abs
September 15, 2010 @ 2:00 pm | Categories pinoy jologs culture
People change and so is our preferences.
Joke lang, wala talagang ganyang kasabihan. Ang gusto ko lang talagang sabihin ay nagbabago ang pansala ng tao. Katulad ng pagkahumaling ng mga Pinoy sa mga artistang mapuputi kesa morena o mas maganda daw ang rebonded na buhok kesa kulot. Pagdating naman sa mga kalalakihan, iba na ang standards ng kagwapuhan ngayon. Medyo pumapangalawa nalang ang ‘face value’.
Dahil hindi na Master Eskinol ang sikreto ng mga gwapo ngayon, kundi ang magka-abs. Mapapansin naman ito sa mga naglipanang advertisements dahil usong-uso na ang lalaking may abs.
Sa magazines…

sa billboards…

pati mga events…

puro topless na lalaki na ang makikita mo. Pasensyahan nalang mga guys, pero mahirap na maging gwapo ngayon. Kung dati ay papasa nang gwapo ang pagsusuot ng jacket at pag-gel ng buhok, mukhang ngayon ay kailangan nyo pang mag-effort and go straight to the gym. Good news naman ito para sa mga hindi pinalad sa kanilang mukha dahil kung sa palagay nyo ay wala na kayong pag-asang gumwapo, magka-abs ka lang ay tanggap ka na ng lipunan. Yehey!
Haha.
 

