August 30, 2010 @ 2:00 pm
Zippo: Ang Lighter ng mga Sosyal
Nature na sa atin ang gustong magmukhang cool. Yung iba nagshe-shades kahit maulan. May mga bumibili rin nang gadgets kahit mag-Skyflakes nalang sa hapunan. Meron ding mga naglalasing-lasingan kahit isang bote ng San Mig Light palang ang naiinom. Syempre eh, gusto nating maging-IN. And personally speaking, ang paraan ko dati nang pagiging “cool” ay ang matutong magyosi.
At dahil nga feeling ko ay cool ako sa pagyoyosi ay nang-impluwensya pa ako. I taught 3 people how to smoke in just a span of 1 week. Isa sa mga naturuan kong magyosi ay ang aking kaibigan na itago nalang natin sa pangalang Cholo (Haha!). The next day after nyang matutong manigarilyo ay excited nyang ibinalita sa akin na meron na daw syang Zippo.
Anong Zippo?
Ano ka ba, ‘yan ang lighter ng mga sosyal…

Aba, malay ko bang may default lighter pa pala ang mga sosyal? Napahiya tuloy ang lighter ko…

Filed under trip ng mga sosyal Permalink · No Comments »










