Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Archive for June, 2010

June 30, 2010 @ 1:00 pm

Inauguration-Slash-Concert

Alam nyo kung ano nalang ang kulang sa Presidential Concert Inauguration kanina?

Dance number ni Marian! LOL!

O pwede ring nag-TOUGH TEN nalang muna si Kris, pampaubos lang ng oras. WTF.

Post to Twitter

Filed under showbiz · No Comments »

June 29, 2010 @ 12:00 am

Etiquette ng mga Kabit

Habang namimili ng magazine sa isang bookstore, ay napalingon ako sa isang libro…

…akalain mo nga namang may etiquette pa pala maging kabit? Lol!

But kidding aside, they say it’s a good book. It’s about the things that run through a mistress’ mind. A mistress falls into a married man’s compromise that he’s willing to leave his wife but in reality he can not. So a mistress is a victim as well. Kaya ako kung sa inyo, stop having a forbidden affair or else you deserve to be slapped on the face with this book. :P

Post to Twitter

Filed under books & magazines · No Comments »

June 28, 2010 @ 12:00 am

Window Shopping

Bukod sa softfrinks at Cinema One, ang isa pa sa mga bisyo ko ay ang pag-mmall. Nang minsan ngang nagbiro ang kaibigan ko na baka naman hanggang Robinsons Place Sta.Rosa Laguna eh nakakarating na ako… nagulat sya nung sinabi kong nakarating na nga ako dun. Ganun ako ka-adik sa pagma-mall. Hindi naman para tumambay sa foodcourt pero para mag-window shopping.

At dahil sa madalas kong mag-malling, nagkaroon ako ng obserbasyon tungkol sa mga tao habang sila ay namimili: na hindi sila nagtatagal sa loob ng isang boutique nang mahigit sa isang minuto.

Una, mare-realize nila na mahal ang presyo. Wala silang pambili.

Pwedeng mabaho sa loob sa boutique. Tulad nalang sa All Flip-Flops na amoy goma sa loob.

At ang pinaka-dahilan ng lahat, sumusunod yung saleslady sa bawat galaw mo. Sa totoo lang, bwisit na bwisit ako kapag nakabuntot sa akin yung saleslady. Pero ipokrita ako dahil naiinis din ako pag hindi nila ako pinapansin na para bang wala akong pambili.

(At para sa mga nakaka-relate, meron akong tip. Kung ayaw nyong ma-feel awkward habang nakasunod ang saleslady tapos nakita mong sobrang mahal ng mga presyo, wag kang mag-panic. Magtanong ka lang kung may ibang kulay yung dinampot mong item. Yung tipong mga out of this world na kulay – periwinkle, vermilion, turquoise, ganun. Tapos pag sinabi ng saleslady na “wala”, saka ka mag-thank you at umalis. Lol.)

Post to Twitter

Filed under pet peeves · No Comments »

June 24, 2010 @ 12:00 am

Masculine Wash

Nakarinig ka na siguro ng joke na bakit ang mga babae may feminine wash, ang mga lalaki walang intimate wash. Mga boys, wag na kayong sober at oras na para magdiwang dahil nandito na ang Freshman Masculine Wash.

Sa ad palang, kitang kita na kailangan ito ng mga chickboy o mga banidosong bading para laging handa sa mga one-night-stand emergencies. Pandagdag confidence kumbaga. O pwedeng para lang pabanguhin ang dingdong. Kung sa commercial ng Lactacyd ay “flower” ang ginagawa nilang resemblance para sa vagina, ano kayang pwedeng gawing analogy sa masculine wash? Talong? Pipino? Ansagwa! Nyahaha. Wenk.

Anyway, Freshman Maculine Wash is available at leading drug and beauty stores and supermarkets nationwide.

Post to Twitter

Filed under brands · No Comments »

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin