Recording Star
April 9, 2010 @ 12:00 am | Categories pinoy jologs culture
Ano nga ba ang sukatan para masabing sikat ang isang artista? Maraming acting awards? Isang dekada na sa showbiz? Laging laman ng headline? Ganyan ang standards sa Hollywood. Pero sa ating mga Pinoy, kailangan ay naging lead star ka na sa isang telenovela, may billboard sa EDSA, o may music album ka na…
…oo, nagka-album, kahit hindi magaling kumanta.

Tulad nalang ni Boy Abunda at Kris Aquino. Magkasunod pa silang gumawa ng album na parang napag-tripan lang. Ang kanilang album ay compilation lang ng ibang singers at hindi naman talaga sila kumanta. Amazing.

At si Willie na iisa ang melody ng mga novelty songs. Pero in fairness, nag-effort syang kumanta. Habang minamadali nya ang mga contestants nya sa Willie of Fortune ay inuubos nya ang oras ng Wowowee para lang i-promote ang mga CDs nya. Yes, I am such an observant person.

Ang iba naman ay dinadaan sa kagwapuhan tulad ni Piolo at Dennis. May boses naman sila pero enough of this shiz. Magpa-cute nalang sila sa screen. As they say, you can’t have it all.

Para sa mga hindi nakaka-alam, mula sa pag-eendorso kay Jamby hanggang sa pagiging model ng feminine wash ay nagka-album din si Juday.

At may album pala si Gretchen Barretto? Not once, but twice.

Syempre, sa mga pinagkaitan ng lakas ng loob kumanta ay meron din namang mga dance album – na may kakatwang title.

Hindi lang mga artista ang nangarap magka-album kundi pati cosmetic surgeon. Hindi ka man mag-enjoy sa boses ni Dr. Manny ay may Free Calayan Service namang kalakip ang CD kaya win-win situation ito. Wenk.
Tuwing nakikita ko ang mga album nila ay naalala ko ang mga taong may tunay na talento ngunit hindi sikat at walang budget para ibahagi ang kanilang musika. Sayang ang mga talentong mas dapat paglustayan ng pera. Pero kung kakanta na sa album si Boy Abunda at magkaka-dance DVD si Kris Aquino, ngayon palang ay magpapa-reserve na ako.
 

