Kimerald
February 1, 2010 @ 5:00 pm | Categories movies, pet peeves
This is not a film review of Paano na Kaya because obviously, the trailer itself already tells the plot of the movie. It’s just a conventional teenybopper love story with pick-up lines like “It’s not you Bogs, it’s me”.

Paano ko nalaman? Dahil napanood ko, bakit ba. Napansin ko lang na habang pumapasok kami sa sinehan ay may mga pa-kunwari pang nahihiyang manood. Kesyo may sinasabi pang “bakit kasi ito pinanood natin, ang baduy blah blah…” samantalang di naman kagandahan ang get-up nila at kung makapag-salita ay di malaman kung san pinulot ang accent. Bibili-bili kayo ng ticket tapos mag-iinarte kayo. Chura nyo! Lol.
Samantalang ako, ngiting-ngiti pang pumasok sa sinehan at may baon pang french fries with softdrinks. Haha.
Marami sa atin ang may ganitong attitude, kunwaring pa-arte in public. We’re all jologs in a way, please. At kung ayaw mo talaga ng mga baduy na bagay ay panindigan mo. Hindi yung tipong ‘pag wala ng tao ay tutok na tutok ka naman sa mga tagalog movies kapag pinalabas na sila sa Cinema One.
 

