Pop Toy Mentality
January 7, 2010 @ 4:00 pm | Categories pet peeves
Naranasan mo na ba yung moment na gustong gusto mo nang kumain sa food court pero wala kang maupuan dahil sandamakmak ang mga de-laptop na tumatambay dahil sa free WIFI? Ako ilang beses na, lalo na dyan sa may Gateway at kung saan-saang pang fast food sa mga mall.

Mas masaklap kung wala pang free internet at sadyang may mga pa-chill chill lang na dinidisplay ang kanilang mga netbook o laptop. Susulyap-sulyap pa kung tinitignan ba ng ibang tao ang kanilang napaka-cool na gadget. Lol.
I just want to relate this with my personal experience I encountered while going to the province. Si Manong na katabi ko, walang ginawa kundi ilabas ang kanyang mga gadget buong byahe – PSP, MP3 Player at mga Cellphone. At kung makatingin pa sa mga katabi nya, feeling nya ay inggit na inggit kami. Ansakit sa brains. I bet he’s just one of those people who are fond of bragging their gizmos in public. No wonder lost cellphone cases increase every year (together with the rising number of snatchers).
Hindi naman sa nilalahat pero makikita naman ng mapanuring mata kung sino ang totoong conyo o gusto lang magpabibo – at kung tinamaan ka, paniguradong isa ka sa pangalawa.
 

