Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Metro Manila Film Fest

December 21, 2009 @ 7:00 pm | Categories movies, pinoy jologs culture


Nalalapit na ang kapaskuhan, ibig sabihin, panahon na rin ng pamamayagpag ng mga pelikulang Pilipino para sa Metro Manila Film Fest 2009 o MMFF. Excited ka na ba? Ako hindi. Naging tradisyon ko na ang manood ng kahit isa sa mga MMFF entries kung may bali-balitang isa sa mga pelikula ay maganda ang plot. Pero ngayong taong ‘to, hindi ko alam kung anong pelikula ang pag-aaksayahan ko ng pera. Para kasing dejavu lang ang mga storya nila:

Ang Darling Kong Aswang
As usual, ang bida ay si Vic Sotto at may batang leading lady na maputi at makinis, si Cristine Reyes. Overrated na kasi kung si Kristine Hermosa ulit, naka-apat na Enteng Kabisote na sila. Papatok nanaman ‘to dahil pambata ang storya, at sa trailer palang, alam mo na ang mangyayari sa buong pelikula.

Nobody Nobody, but Juan
Mawawala ba naman ang slapstick comedy ng mga Pinoy? Syempre hindi. Asahan mo na may batukan at hampasan ng sidekick para lang magpatawa kaya wag masyadong umasa na mapapatawa nito ang may sense of humor. Hindi rin mawawala dito ang kantahan at sayawan sa ending.

I Love You, Goodbye
Akala ko, gagawa ng kakaiba ang Star Cinema para sa 2009 MMFF. Yung tipong mala Dekada 70 o Bagong Buwan. Pero sa di malamang dahilan, love story ang entry nila ngayon at binase nanaman sa isang kanta ang titulo.

Ang Panday
Kapag action movie entries ng MMFF ang pinag-uusapan, kung hindi si Lito Lapid o Jinggoy Estrada ang bida, eeksena na si Bong Revilla. Patok din ito sa kabataan dahil sa mga special effects at action scenes na pwede DAW ipanlaban sa mga Hollywood movies.

Mano Po 6: My Mother
Iniisip namin kung magkakaroon kaya ng My Boo, My Sharona o My Documents (wenk hangkorni). Pero hangga’t nandyan si Mother Lily, ay laging may Mano Po entry. Umiikot ang storya sa Filipino-Chinese life na may kasamang sampalan at drama. Sila-sila rin ang gumaganap sa movie series na ‘to: Si Zsazsa, Heart, Kris, Dennis Trillo, etc. Maaaring umabot din hanggang Part 11 ang Mano Po tulad ng Shake Rattle and Roll.

Shake Rattle and Roll XI
Kinalakihan na natin ang horror movies ng SRR. Mula sa Undin ni Manilyn Reynes hanggang sa Pridyider ni Janice De Belen. Laging may tatlong kwento ang pelikulang ito at kadalasang gumagamit ng prosthetic makeup at mga nakakadiring halimaw para makapanakot.

Wapakman
Isa lang ang tanong ko, manonood kaya si Jinkee Pacquiao neto?

Though this year’s entries have the usual Pinoy movie approach, we can’t totally judge unless we’ve watched them all. Pero makikibalita nalang ako kung anong pelikula ang dapat panoorin o kung meron nga bang karapat-dapat panoorin. Or better yet, hihintayin ko nalang sa Cinema One.

Related Posts with Thumbnails

Post to Twitter

[Back to Home]

 

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin