Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Archive for December, 2009

December 28, 2009 @ 5:00 pm

2009 Pinoy Fashion Trend

Isang katotohanan sa ating kultura ay madali tayong nai-impluwensyahan ng media. Kung ano ang nakikitang suot ng mga artista sa ASAP ay ginagaya ng karamihan. Kaya ang resulta, madali ng ipirata ang uso at pare-pareho na tayo ng porma. At speaking of porma, bago tayo magpaalam sa 2009 ay mag-hello muna tayo sa mga nausong Pinoy street fashion ngayong taon:

10. Mula 2008 ay na-carry over parin ang pagsusuot ng Gladiator Sandals. I can say that this one has been a worthy fashion trend because it fits any style – mapa-casual man or for party.

9. I wanted to have this kind of High Tops (or what they call, Kanye West Shoes) but I’m not the sneakers type of person. Hindi lang ito ordinaryong fashion trend dahil kahit ang mga designer brands tulad ng Louis Vuitton ay gumawa ng ganitong klase ng sapatos.

8. Marami rin ang nahuhumaling sa mga mamahaling Journal dahil sa pagsulpot ng Moleskine hanggang sa sosyalin-kuno na Starbucks Planner. Para sa iba ay okay lang kahit hindi nila sulatan dahil gagamitin lang namang pandisplay.

7. Sa hairstyles, nauso ang Bob Hairstyle para sa mga babae at Military Cut sa mga lalake. Obviously, ito naging patok dahil sa koreanovelang Boys Over FLowers at teleseryeng Tayong Dalawa.

6. As we bid goodbye to ribbon headband, it was replaced by Head Pieces with stones and gems. Same with accessories dahil naging uso ang bib necklace at medyo mahirap humanap ng mga ganitong accessories lalo na yung may kalidad.

5. Sa paraan naman ng pagsusuot, pinauso naman ng ilang artista ang Pocahontas-slash-Hippie look.

4. Isa ka ba sa mga naiirita sa mga Sumbrerong Hiphop na pinapatong lang sa ulo? Oo, hindi sinusuot, pinapatong lang. Medyo malaki kumpara sa pangkaraniwang baseball cap. At tulad nga ng nabanggit ko, naging isang karagdagang pananamit sya ng mga hiphop at pa-cool.

3. Alam nyo bang sa mga babae ay nauso din ang maging cute? Naging inspirasyon ng mga cute ang 2ne1, Wonder Girls at pagsikat ng Asian Poses. Mag-kulot ka ng buhok, mag-suot ng mga mini-skirt at makukulay na damit, mag-headband at i-youtube ang sarili habang kumakanta ng version mo ng mga usong kanta. Parang sila lang…

2. Oo na, sosyal nang tignan pero hindi ko yata kayang suotin to – ang Bunny Ears. Kung susuotin mo to sa Greenbelt 5, Social Parties o Fashion Events ay shala ka. Pero kung gagamitin mo to sa SM o nakasakay ka sa MRT, magmumukha ka lang tanga.

1. At kung last year ay naideklarang Most Popular Fashion Craze ang Emo Style…

…matatawag ko namang The Fall of Emo ang 2009. Nabawas-bawasan na kasi ang mga kabataang nakikita kong nagpopormang emo. Natauhan na siguro sila. Pero kaakibat ng pagka-laos ng emo ay nagkaroon ito ng evolution, ang Foundation Boys. Sila yung mga makakapal maglagay ng foundation na hindi nila kakulay, madalas sobrang puti. At take note, hindi sila babae o bading, mga totoong lalaki sila. Hindi ko alam kung may kinalaman ba sila sa mga emo o sadyang gusto nilang maging kamukha si Edward Cullen.

Paniguradong naobserbahan mo rin ang mga nabanggit ko o kaya’y nakapag-suot ka rin ng mga yan. Nawa’y marami pang kakaiba at katanggap-tanggap na porma ang mauso sa darating na taon. Let’s just wait and see. :D

Post to Twitter

Filed under fashion, pinoy jologs culture · No Comments »

December 25, 2009 @ 12:00 am

Merry Christmas!

To my readers, one-time visitors and friends in real life…

Let’s enjoy the holidays, be happy, eat lots and forget about dieting! Much love.

Post to Twitter

Filed under personal whatnots · No Comments »

December 21, 2009 @ 7:00 pm

Metro Manila Film Fest

Nalalapit na ang kapaskuhan, ibig sabihin, panahon na rin ng pamamayagpag ng mga pelikulang Pilipino para sa Metro Manila Film Fest 2009 o MMFF. Excited ka na ba? Ako hindi. Naging tradisyon ko na ang manood ng kahit isa sa mga MMFF entries kung may bali-balitang isa sa mga pelikula ay maganda ang plot. Pero ngayong taong ‘to, hindi ko alam kung anong pelikula ang pag-aaksayahan ko ng pera. Para kasing dejavu lang ang mga storya nila:

Ang Darling Kong Aswang
As usual, ang bida ay si Vic Sotto at may batang leading lady na maputi at makinis, si Cristine Reyes. Overrated na kasi kung si Kristine Hermosa ulit, naka-apat na Enteng Kabisote na sila. Papatok nanaman ‘to dahil pambata ang storya, at sa trailer palang, alam mo na ang mangyayari sa buong pelikula.

Nobody Nobody, but Juan
Mawawala ba naman ang slapstick comedy ng mga Pinoy? Syempre hindi. Asahan mo na may batukan at hampasan ng sidekick para lang magpatawa kaya wag masyadong umasa na mapapatawa nito ang may sense of humor. Hindi rin mawawala dito ang kantahan at sayawan sa ending.

I Love You, Goodbye
Akala ko, gagawa ng kakaiba ang Star Cinema para sa 2009 MMFF. Yung tipong mala Dekada 70 o Bagong Buwan. Pero sa di malamang dahilan, love story ang entry nila ngayon at binase nanaman sa isang kanta ang titulo.

Ang Panday
Kapag action movie entries ng MMFF ang pinag-uusapan, kung hindi si Lito Lapid o Jinggoy Estrada ang bida, eeksena na si Bong Revilla. Patok din ito sa kabataan dahil sa mga special effects at action scenes na pwede DAW ipanlaban sa mga Hollywood movies.

Mano Po 6: My Mother
Iniisip namin kung magkakaroon kaya ng My Boo, My Sharona o My Documents (wenk hangkorni). Pero hangga’t nandyan si Mother Lily, ay laging may Mano Po entry. Umiikot ang storya sa Filipino-Chinese life na may kasamang sampalan at drama. Sila-sila rin ang gumaganap sa movie series na ‘to: Si Zsazsa, Heart, Kris, Dennis Trillo, etc. Maaaring umabot din hanggang Part 11 ang Mano Po tulad ng Shake Rattle and Roll.

Shake Rattle and Roll XI
Kinalakihan na natin ang horror movies ng SRR. Mula sa Undin ni Manilyn Reynes hanggang sa Pridyider ni Janice De Belen. Laging may tatlong kwento ang pelikulang ito at kadalasang gumagamit ng prosthetic makeup at mga nakakadiring halimaw para makapanakot.

Wapakman
Isa lang ang tanong ko, manonood kaya si Jinkee Pacquiao neto?

Though this year’s entries have the usual Pinoy movie approach, we can’t totally judge unless we’ve watched them all. Pero makikibalita nalang ako kung anong pelikula ang dapat panoorin o kung meron nga bang karapat-dapat panoorin. Or better yet, hihintayin ko nalang sa Cinema One.

Post to Twitter

Filed under movies, pinoy jologs culture · No Comments »

December 17, 2009 @ 5:00 pm

Hollywood Looks

Just another set of Celebrity looks for less. I just realized, SM Deparment Store is truly a friend.

Taylor Momsen in a Motorcycle Vest

Cheaper Alternative:
1. Black Ctn Vest (P475) – Bayo
2. Skinny Navy Neck Tie (P150) – SM Department Store
3. Sleeveless Top (P1150) – Topshop
4. Sheer Lip Lustre Red Lipstick – The Body Shop

Anne Hathaway in a Striped Mini Dress

Cheaper Alternative:
1. Red and White Striped Mini Dress – Dorothy Perkins
2. Classic Sunglasses (P250) – Fly, SM Department Store
3. Canvas Organic Tote Bag – Marks & Spencer
4. Straw Boater Hat (P100) – SM Department Store
5. Flats Strappy Sandals (P1250) – VNC

Post to Twitter

Filed under fashion for less · 1 Comment »

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin