Generic Pinoy Tattoos

Filed under pinoy jologs culture

Napag-usapan lang minsan na ayaw kong magkaroon ng tattoo at hindi ako papayag na magpa-tattoo ang mga magiging anak ko. I have nothing against people who have tattoos. Even most of my friends  tried it already. Perhaps I won’t encourage my kids for a permanent ink on their skin because it doesn’t look good anymore when they get old. Haha. Relating to this, eto ang mga common Pinoy tattoos of all time:


Dragon:
Syempre parang ang cool at ’steeeg ka pag may dragon ka diba. Kaya kadalasan sa mga may ganito ay yung tipong machong macho. Yeah!


Barbwire:
Kung hindi mo kaya ang sakit ng dragon, mag barbwire ka nalang. ’sing astig pero di ’sing sakit. Nge.


Puso:
Kung ang datingan mo ay loverboy, kahit machong macho ka ay magpapa-tattoo ka ng red heart. Syempre, may kasamang pangalan ng syota mo.


Butterfly:
Para sa mga pa-sexy, at mahilig mag hanging shirt o low waist jeans. Kadalasang nakikita ito sa tabi ng pusod o sa lower back. Mandatory tattoo rin ito para sa mga babaeng mahilig mag-bikini sa bora. Haha.


Jesus:
Nagtataka lang ako no, madalas kasi itong makitang nakatattoo sa balat ng mga nasa bilibid. Ang ironic.


Initials:
Para sa mga taong 1) di kaya ang malalaking tattoo, 2) gustong imarka ang initials ng small-time fraternity nila o 3) mga taong in love at gustong ilagay ang initials ni bf/gf.


Sigue-sigue Sputnik:
Mga pang-kantong tattoo na hindi pinag-isipan. May mga salita tulad ng Mokong, Tigas o kaya eh Pazaway at katabi neto ay may year pa kung kelan ginawa. Parang nag-vandal lang sa balat.

You really have to think a hundred times before you decide about having a tattoo. ‘wag natin gawin ito para lang maki-IN o magmukhang cool. Kung gusto mong magmukhang cool eh mag shades ka nalang. I believe tattooing is an art and part of our rich culture. If you want to have one, think of something unique that defines your personality and not just another show-off to impress other people.

Kaya ako, kung magpapatattoo man ako ay malamang sa kilay nalang.

[ Back to Main Page ]