Kutis Artista
October 30, 2009 @ 6:40 pm | Categories beauty & wellness, pinoy jologs culture
‘Wag mong sabihing gumagamit ka ng whitening lotion matapos mong makita sa commercial na pumuti ang model dahil sa isang produkto? Yung tipong ipapakita pa ang before and after pictures na halata namang camera trick lang. Una, ang mga modelo o artista ay likas nang maputi at makinis ang balat. O kaya naman, pinakinis nalang sila ng siyensya dahil nag modelo o artista sila.

Kaya isang malaking kalokohan na nakaprint sa kahon ng Maxi-Peel ang mukha ni Marian Rivera. Maaaring ni hindi dumampi sa balat nya ang exfoliating cream na ineendorso nya dahil paniguradong masisira ang sensitibo nyang pores. Kung gumagamit ka man nito, uto-uto ka kung si Marian ang naging inspirasyon mo.
Mahilig din naman akong mag-lotion, pero hindi ko idedepende ang pag-asa kong mag kutis artista sa mga pangakong sinasabi ng mga advertisements. Ika nga, for marketing strategy lang ‘yan. Misleading.
Dahil kung totoo man ang be whiter in 7 days, para saan pa ang skin peeling at gluta injection kung ang epekto ng mga mamahaling pagpapagandang ito ay makakamit mo rin sa isang bote ng lotion.
 

