Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Anong Meron Sa Louis Vuitton?

July 23, 2009 @ 10:33 pm | Categories brands, fashion


Malamang eh maraming nagtatanong nito. Halos lahat ng lalaking sinabihan ko na 1 milyon ang halaga ng isang Louis Vuitton Luggage ay dalawa lang ang reaksyon; either sisigaw ng HUWAAAAT o halos tumalsik na ang laway nila sakin dahil sa gulat.

Ano nga bang meron sa Louis Vuitton?

Sa mga sobrang mangmang dyan na hindi pa nakaka-alam, ang pangalang Louis Vuitton ay isang designer at hindi lang fictional brand. LV is an icon of luxury and high-class fashion. Marami naring mga fashionista ang nag-explain kung anong something sa LV but Im sure not everyone could still understand, kaya gagawan ko nalang ng analogy:

  • Ang pagbili ng Louis Vuitton na bag, ay parang pagbili ng Havaianas. Tsinelas lang ang Havaianas pero hindi standard ang presyo. Ito ay dahil sa branding at quality same with LV. Sa pagbili ng Louis Vuittion, hindi mo binibili ang bag, binibili mo ang tatak. Pag bumili ka ng LV para mo na rin sinabing, Pabili nga po ng tatak. Ganun. Aminin mo, minsan mo nang nasabing ang panget naman ng design ng LV. Pero dahil nga sa Louis Vuitton ito, ang presyo ay ginto.
  • Ang pagbili ng Louis Vuitton ay parang pagbili ng Sports Car. Sa kotse, nakakarating ka kung saan saan at pwede mo itong ipagmayabang which are 2 main purposes ng LV bag: magbibit ng gamit kung saan saan at SHOW OFF na ikaw ay mayaman.

Kaya sa iba na nagtataka kung bakit nag-aaksaya ng pera ang ibang tao para sa isang Louis Vuitton bag na makakapag pakain ng libong pamilya, wag nyo na kuwestyunin dahil hindi naman kayo pinipilit bumili. At kahit hindi bumili ng Louis Vuitton ang mga can afford, hindi parin mawawala ang mga mahihirap sa Pilipinas.

Ngunit kung desperado ka, kulang sa budget pero gustong dalhin ang tatak LV, eto nalang ang bilhin mo


Ang Louis Vayong. Naka LV ka na, nagpatawa ka pa. Wenk.

Dahil isa ito sa mga most viewed entry sa luma kong blog at na feature pa sya sa Flippish, minabuti ko nang irepost.

Related Posts with Thumbnails

Post to Twitter

[Back to Home]

 

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin