Isang araw sa YM, habang nagrerecommend ako ng website para ipakita ang layout…
leyn: o nakita mo na yung site?
tantan: oo pang babae yung content e
leyn: yaan mo na, fashion site yan
tantan: nagbabasa na tuloy ako ahahah
tantan: teka ano yung LBD?
tantan: LIBIDO?
leyn: gago!
leyn: Little Black Dress
leyn: HAHAHA
tantan: naman yan malay ko ba! may lbd pa kasing nalalaman =))
leyn: lalaki ka nga
)
Ewan ko ba, natawa ako bigla at na inspire iblog ang moment na ‘to. Minsan, may mga terms na hindi maintindihan ng mga lalaki and vice versa. Mismong mga kaibigan ko nga eh hindi maintindihan ang ibang terminology ko dito sa sosyalera. ‘wag kayo mag-alala, hindi ako nagpapauso. Sadyang may mga salita lang nakakalito at iba ang kahulugan depende sa mambabasa. Tulad ng mga sumusunod:
Mary Jane – hindi ito drugs o pangalan ng porn star, isa itong klase ng sapatos. Kadalasan ay rounded ang tip na para bang doll shoes.
Chikankari - hindi ito tagalog ng Chicken Curry, isa itong klase ng embroidery.
Gore - hindi naman ito sugat. Tawag din ito sa isang klase ng accessory na nilalagay sa palda para magkaroon ng extra flair.
Mule – kung ikaw ay lalaki, iisipin mong isa itong alcoholic beverage. o kaya’y uri ng hayop Para sa mga fashionista, isa rin itong klase ng sapatos na walang strap.
Lapel - bukod sa maliit na micropono, term din ito sa isang style ng damit na kung saan may extension ang collar at nafofold depende sa trip ng nagsusuot.
Tulle - hindi yan circumcision at ito ay pronounced as tool. Isa itong klase ng silk fabric na ginagamit sa mga damit. At syempre, hindi ako maglalagay ng picture ng tinutuli diba. Like ew.
Jogger - hindi ito ang tawag sa taong nagjojogging. Wenk! Term ito sa 1-piece swimsuit.
Mermaid – Sirena? Hinde! Ito yung klase ng palda na hapit mula bewang hanggang lower-knee tapos may flair effect sa laylayan.
Bolero – lalaking mahilig mambola? Pwede, pero hindi. Isa itong jacket na maikli.
Tanga – o wag mo dibdibin. Hindi yan literal. Yan yung mga high-cut na panty na nauso noong 1990s.
Akshali, marami pa ‘yan. Akalain mo nga namang fashion terms sila diba? Kaya hinay hinay lang sa pag-iinterpret. At ang LBD nga pala ay Little Black Dress pertaining to black cocktail dresses na pinausong term ni Coco Chanel.

