Sosyalera Meets the JJs
February 17, 2009 @ 2:28 am | Categories parties & events, pinoy jologs culture
Binalaan na ako nang isa kong kaibigan na sa UP Fair, 80% nang crowd ay outsiders at 20% lang talaga ang mga taga-UP. At noong weekend, ay na-witness ko ang ganitong statistics dahil sobrang daming JJs o Jumping Jologs ang nagkalat na para bang ginawa ang event na ito para sa kanila.
Grupo-grupo nang mga kabataang Pilipino ang nagpapa-angasan na animo’y mga frat sa bilangguan. Iba’t-iba ang kanilang mga teknik para magpapogi. May iba na tipong pare-pareho pa nang damit, lahat ay naka-black shirt o isang grupo sila na puro EMO ang buhok. Pero syempre, mas umangat sa paningin namin ang mga nag-effort para mapansin.
Kilala nyo ba ang mga Dicepticon ng Don Antonio?! Pwes, ngayon ay makikilala nyo na sila…
Photo Credit to Tanya Markova
At magpapahuli ba naman ako? Ika nga, If you can’t beat them, join them!

O diba, ang taray nang foundation nung isa. Wahaha! Grupo sila nang mga naka-amerikana na mukhang kagagaling lang sa isang JS Prom. Ilan lamang sila sa mga nakakalokang kabataan na nandoon. At maraming salamat sa bago kong natutunang term. Aside sa JJs, meron din palang mga OOs…
Obnoxious Orcs.
 

