Glitter Comments
February 27, 2009 @ 1:09 am | Categories pet peeves
Obviously, meron akong Friendster. Pero kung makikita mo ang profile ko ay malinis ito. Walang bahid ng pagpapa-kyut at sinisigurado kong hindi sasakit ang mata mo. Hindi ko alam kung bakit ang ibang mga adik sa Friendster o Multiply ay mahilig magpadala ng Glitter Comments – kumikinang kinang, makulay, at may mga mensahe tulad ng Take Care, Thanks for the Add at You’re a Wonderful Friend!
Ampaplastik! Wahaha!

Sa panahon ngayon, ang silbi nalang ng mga Glitter Graphics na ito ay para dumami ang number of comments o kaya naman ay pasimpleng paraan para mapansin ang iyong profile. Medyo nawiwirdohan kasi ako sa mga taong nagsesend sa akin ng I miss you Graphics eh hindi naman talaga kami close. Wenk! At para sa mga may FS o Multips account, kung isa ka talagang kaibigan, mag-effort ka naman magbigay nang kahit maikling mensahe na bukal sa iyong puso at hindi copy-paste generated. At kung may Glitter Comment na pwede kong idedicate sa mga taong de-copy paste lang, etong sa inyo…

Sorry ah, maka-facebook na kasi ako ngayon. For friends only nga lang.
 

