Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Archive for February, 2009

February 27, 2009 @ 1:09 am

Glitter Comments

Obviously, meron akong Friendster. Pero kung makikita mo ang profile ko ay malinis ito. Walang bahid ng pagpapa-kyut at sinisigurado kong hindi sasakit ang mata mo. Hindi ko alam kung bakit ang ibang mga adik sa Friendster o Multiply ay mahilig magpadala ng Glitter Comments – kumikinang kinang, makulay, at may mga mensahe tulad ng Take Care, Thanks for the Add at You’re a Wonderful Friend!

Ampaplastik! Wahaha!

Sa panahon ngayon, ang silbi nalang ng mga Glitter Graphics na ito ay para dumami ang number of comments o kaya naman ay pasimpleng paraan para mapansin ang iyong profile. Medyo nawiwirdohan kasi ako sa mga taong nagsesend sa akin ng I miss you Graphics eh hindi naman talaga kami close. Wenk! At para sa mga may FS o Multips account, kung isa ka talagang kaibigan, mag-effort ka naman magbigay nang kahit maikling mensahe na bukal sa iyong puso at hindi copy-paste generated. At kung may Glitter Comment na pwede kong idedicate sa mga taong de-copy paste lang, etong sa inyo…

Sorry ah, maka-facebook na kasi ako ngayon. For friends only nga lang. ;)

Post to Twitter

Filed under pet peeves · No Comments »

February 24, 2009 @ 3:48 am

Baby Fats: Plus Size Tips

Hello Ms. Leyn!

Una sa lahat, nais ko pong sabihin na idol ko kayo! I encountered your blog months ago when I was still a blogger under the name of Miho La Eksplorada. From then on, lagi ko nang sinusubaybayan hanggang sa magka-dotcom na kayo.

Itatanong ko lang po sana kung anong mga uri ng damit ang maari kong suotin. Isa po akong dalaga, 15 years old, at medyo chubby. Pero ang weird ng body ko kasi hindi balanced yung fats. I mean, medyo malalaki lang yung arms and legs ko, while the rest of my body parts ay katamtaman lang ang size.

I can say na may curves naman ako pero medyo alangan parin ako sa pagsusuot ng mga damit. I tend to wear dresses because I find them very fashionable and unique – a trend which my classmates got from me. I don’t feel comfortable wearing t-shirts and jeans kasi feeling ko mas mataba ako dun, tsaka masyado na siyang common.

Yun lang po, I need your opinion po. Thanks in advance and more power!

-Miho Octobergloom

Dear Miho Octobergloom,

You know what, we have something in common, I also love dresses. I tend to slouch kasi when I’m in jeans kaya teknik talaga ang pagsuot nang mga pambabaeng damit para mag-asal babae ka rin. Wahaha. Anyway, with your case, I’ll be citing recommended clothing suitable for your figure, fashion taste and young age.

As you’ve mentioned, you have fuller arms so you need to know the different types of sleeves that suit you. Try to check out the Butterfly, Bishop or Kimono style sleeves when shopping for tops and dresses. You won’t just look sophisticated but you could also hide your arms with its loose fabric form. Since you don’t have much problem with your waist part, you can choose flowing blouses with a light belt or ribbon that fastens your waist…

(read more of Baby Fats…)

Post to Twitter

Filed under dear sosyalera · No Comments »

February 23, 2009 @ 1:57 am

100,000: Vacation Tips

Dear Leyn,

Ako ay isa sa mga bajillion readers mo. From JS to Sosyalera hehe. Anyways, hihingi lang sana ako ng mga idea sayo.

#1. Kung ikaw ay isang balikbayan at balak mong umuwi ng pinas this summer, and may budget ka ng 100k, how would you budget it for 2 weeks. I-budget na rin ang beach, gimiks, mga kain kain sa labas, at shopping. hehe.

#2. Ano ang tamang fashion sa panonood ng concert (ex. Journey). Gusto ko kasi pag nag pa pichur pichur ako with Arnel Pineda, medyo presentable naman ako. Considering na winter season dito. I’m in shape din naman, diba round is shape? =)

Thank you ng super advance sa sagot mo. More power..

Camille

Dear Camille,

Actually, malaki na ang 100k na budget for 2 weeks. Hindi naman ako isang bonggang traveller pero magbibigay nalang ako nang mga practical suggestions:

(read more of 100,000…)

Post to Twitter

Filed under dear sosyalera · No Comments »

February 17, 2009 @ 2:28 am

Sosyalera Meets the JJs

Binalaan na ako nang isa kong kaibigan na sa UP Fair, 80% nang crowd ay outsiders at 20% lang talaga ang mga taga-UP. At noong weekend, ay na-witness ko ang ganitong statistics dahil sobrang daming JJs o Jumping Jologs ang nagkalat na para bang ginawa ang event na ito para sa kanila.

Grupo-grupo nang mga kabataang Pilipino ang nagpapa-angasan na animo’y mga frat sa bilangguan. Iba’t-iba ang kanilang mga teknik para magpapogi. May iba na tipong pare-pareho pa nang damit, lahat ay naka-black shirt o isang grupo sila na puro EMO ang buhok. Pero syempre, mas umangat sa paningin namin ang mga nag-effort para mapansin.

Kilala nyo ba ang mga Dicepticon ng Don Antonio?! Pwes, ngayon ay makikilala nyo na sila…

Photo Credit to Tanya Markova

At magpapahuli ba naman ako? Ika nga, If you can’t beat them, join them!

O diba, ang taray nang foundation nung isa. Wahaha! Grupo sila nang mga naka-amerikana na mukhang kagagaling lang sa isang JS Prom. Ilan lamang sila sa mga nakakalokang kabataan na nandoon. At maraming salamat sa bago kong natutunang term. Aside sa JJs, meron din palang mga OOs

Obnoxious Orcs. :D

Post to Twitter

Filed under parties & events, pinoy jologs culture · No Comments »

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin