Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Pormang Saudi Boy

January 28, 2009 @ 2:18 pm | Categories pinoy jologs culture


Anong meron sa Saudi?

‘yan ang napag-uusapan naming magbabarkada tuwing kinakamusta ang isang ka-batchmate na nagta-trabaho na doon. Bukod sa mas mataas na sweldo, mas maraming oportunidad at murang langis, may pare-pareho din kaming obserbasyon sa trend ng mga lalaking nakapagtrabaho na sa Saudi.

Trend saan? Sa pananamit.

Napanood nyo ba yung pelikulang “Katas ng Saudi”, starring Jinggoy Estrada? Bago ang mga reaksyon nyong Ewwww at Baduuuyyy, balita ko na makabagbag damdamin ang istorya nito tungkol sa mga OFW. Saktong sakto rin ang mga setting, ang pinakitang lifestyle at syempre ang fashion ni Jinggoy…

- Una, ang maong jacket
- Ang panloob na sandong puti o tshirt na may collar
- Uber yellow gold na alahas
- Makakapal na bracelet at kwintas
- Aviator style na shades
- Natural colored nail polish
- Bigote

Ito ang fashion perception nang karamihan sa mga Pinoy na galing Saudi. Kahit magmukhang kontrabida sa pelikula ni FPJ ay keri lang. Poging pogi. Wahaha! Nakakalungkot nga lang isipin na ang kulturang Pormang Saudi ay naglalaho na. Bumabata na kasi ang age-range ng mga nagtatrabaho doon. Malamang, Arab Scarf at Skinny Jeans na ang trip nila ngayon. :D

Related Posts with Thumbnails

Post to Twitter

[Back to Home]

 

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin