Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Archive for January, 2009

January 28, 2009 @ 2:18 pm

Pormang Saudi Boy

Anong meron sa Saudi?

‘yan ang napag-uusapan naming magbabarkada tuwing kinakamusta ang isang ka-batchmate na nagta-trabaho na doon. Bukod sa mas mataas na sweldo, mas maraming oportunidad at murang langis, may pare-pareho din kaming obserbasyon sa trend ng mga lalaking nakapagtrabaho na sa Saudi.

Trend saan? Sa pananamit.

Napanood nyo ba yung pelikulang “Katas ng Saudi”, starring Jinggoy Estrada? Bago ang mga reaksyon nyong Ewwww at Baduuuyyy, balita ko na makabagbag damdamin ang istorya nito tungkol sa mga OFW. Saktong sakto rin ang mga setting, ang pinakitang lifestyle at syempre ang fashion ni Jinggoy…

- Una, ang maong jacket
- Ang panloob na sandong puti o tshirt na may collar
- Uber yellow gold na alahas
- Makakapal na bracelet at kwintas
- Aviator style na shades
- Natural colored nail polish
- Bigote

Ito ang fashion perception nang karamihan sa mga Pinoy na galing Saudi. Kahit magmukhang kontrabida sa pelikula ni FPJ ay keri lang. Poging pogi. Wahaha! Nakakalungkot nga lang isipin na ang kulturang Pormang Saudi ay naglalaho na. Bumabata na kasi ang age-range ng mga nagtatrabaho doon. Malamang, Arab Scarf at Skinny Jeans na ang trip nila ngayon. :D

Post to Twitter

Filed under pinoy jologs culture · No Comments »

January 23, 2009 @ 9:12 am

Unfashionable Neck Braces

Hi Leyn,

Magandang araw! :)

Minsan akong hiniritan ni Mariano na itanong ko daw sayo kung ano ang maimumungkahi mong maaaring gawin para ang neck collar/brace ay maging fashionable. Kaya eto na nga ako, nage-email. Haha!

Just a backgrounder, I have a (not so serious) cervical spine problem. My doctor advised me to wear my neck collar/brace religiously so that it won’t get worse, or else, I might need to undergo surgery (please, God, no.) to correct it or whatever (di ako nakikinig eh. nanay ko kausap niya so kebs ko hehe!). However, I seldom wear the neck brace for the following reasons:

1. MAINIT.
2. UNCOMFORTABLE.
3. OUT OF PLACE SA WARDROBE.

So there. I rarely wear it. But lately, because of work, the stress brought about by it, is causing my cervical spine to hurt once more and I feel the need to wear the neck brace daily to support the spine. Though my email is nagmamarunong@post.com I admittedly do not know everything, so can you suggest ways to make the unfashionable neck brace/collar fashionable?

Thanks thanks thaaaaaaaaaaanks! :)

-superboi (babae po ako, not bading, btw. girlaloo all the way. hehe.)

Dear superboi,

Alam mo bang ginagamit ka lang ni Mariano para pahirapan ako. Hahaha Wenk. But kidding aside, madali lang naman ang solusyon dyan. Ang sagot lang ay ‘wag mong pilit itago ang pagsuot nang iyong neck brace at mamili nalang nang mga damit na babagayan nito.

Though I’m not sure if your neck brace looks like this…


Just in case ito nga, try to be choosy with your tops and it’s recommended to wear high neckline blouses. Wearing spaghetti straps that show your chest makes it more obvious that you’re in neck braces. I know it’s uncomfortable and sweaty, but if you really want to at least match your clothing with your neck support then you have to sacrifice my dear.

As you’ve noticed, the shades are quite pale and safe. This is to complement the light color of your neck brace. Imagine if you’re in a shocking red or royal blue, the bulkiness on your collar part will be more noticeable.  Also, picking light hues will somehow camouflage the color of your neck brace. Never try to use scarves to hide it, panget yun.

In case you’re into accessories, avoid wearing layered style necklaces. You can just be in a simple jewelry with a small pendant. In other terms, accessorize but not too much.

Lastly, we have to accept that wearing such braces isn’t usual and to some extent conflicts fashion. It’s for your health anyway. As recommended, just try to minimize the obviousness of your cervical support. That simple. Kadiri naman siguro kung isa-suggest ko na lagyan mo nang embroidery o sequins ang iyong neck brace diba. So there, I hope your pain lessens ’cause I bet it’s really hard to be in a collar brace  everyday. Take care of yourself. ;)

Love Lots,

Leyn

Post to Twitter

Filed under fashion · No Comments »

January 16, 2009 @ 1:14 am

Alabang Boys

With how they smiled… what were they thinking?

May ilan na ring nag-iwan ng mensahe para hingin ang aking opinyon tungkol sa mga elitistang nagddrugs particularly ang most talked about na Alabang Boys. Aktuli, ay mas napukaw ang atensyon ko sa kanilang mga litrato kesa sa kanilang bisyo…


Akalain mo nga namang ang gagwapong nilang adik?!

Kahit sinong makakita nang mug shots ng Alabang Boys ay natatawa kung paano sila nagproject sa camera. Nakakaloko diba? Parang ang saya pa nila at nakulong sila. Hahaha! Akala ko ay mga dukhang magnanakaw lang ang nakukuhang magpa-kengkoy sa mga mug shots na may signboard pa na “Shoplifter ako”. Hindi pala, even rich kids do.

So in case i’ll be committing a crime to the extent I’d be put in jail, i won’t forget to smile on my prison shots like these Alabang Boys. May point naman sila, minsan ka na nga lang makukulong edi ngumiti ka na. :D

Post to Twitter

Filed under cheap thrills · 1 Comment »

January 13, 2009 @ 9:03 am

Studio Pose

Kung ipinanganak ka nang dekada 70 o 80 ay naranasan mo ang pahirapan na magkaroon nang isang picture perfect na litrato. Hindi pa kasi uso noon ang Photoshop, DSLR Cameras at magagandang Photography Gadgets para dayain ang ating mga itsura. Ang pagpapakuha dati ng litrato ay planado at masasabi kong  mas realistic.

At para sa mga nakaka-relate, maaaring meron ka nito… Ang Studio Pose!


Iba pa ito sa mga graduation pics at creative shots dahil mas bonggang bongga ang makalumang Studio Pose. Kumpara sa mga FHM Covers ngayon, hindi maaaring dayain digitally ang mga flaws at ang sikret weapon mo lang ay magandang lighting at make-up. Samahan mo pa nang mga baduy na props tulad ng sumbrero, bulaklak, jinobos na katyang background at ang iyong mga pamatay na posing!

Fulfilled ako at napagdaanan ko ang kajologan na ‘to pero hindi ko ipapakita ang aking Studio Pic just for everyone’s viewing pleasure. Pribado kasi ako sa mga bagay na pagmumukhain akong tanga. Hahaha.

O ikaw, may Studio Pose ka ba? :D

Post to Twitter

Filed under pinoy jologs culture · No Comments »

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin