Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Mga Regalong Nakaka-Umay

December 9, 2008 @ 10:52 am | Categories pinoy jologs culture


Uso nanaman ang mga Christmas Parties, Exchange Gifts, Kris Kringle at kung anu-ano pang kaplastikan bigayan ng regalo para ipagdiwang ang spirit of Christmas! Ikaw, nakabili ka na ba para sa Monita o Monito mo? Kung hindi pa, sana naman ay maisip mong magbigay ng kakaiba at hindi ang mga Most Given Gifts of all time. Sa buong buhay mo ay pwedeng nakatanggap o nakapagbigay ka na ng mga sumusunod na regalo:

  • Photo Frame o Photo Album - Nakakaloko nga naman kapag naka-gift wrap pa ito, mukha kasing mabigat at malaki ang regalo. Pero kapag nabuksan mo na, dyaaraaaan! Photo Album nanaman?! Wala na bang ibang mabili na sakto sa kahon kundi Photo Album?!
  • Scented Candles - Talagang ginawa yata ang scented candles para gawing regalo. Aminin natin na hindi ito praktikal kasi ipandidisplay mo lang at hindi mo gagamitin ‘pag may brownout. Sayang ang amoy eh.
  • Tuwalya o Panyo - Masama ang loob ko noong Christmas party namin noong elementary, nagkaroon kami ng exchange gift at kailangan ay worth 100 pesos ang budget. Pagka bonggang bonggang doll house ang binigay ko sa aking Monita. At ang natanggap ko? 5 piraso ng Good Morning Towel.
  • Parker Ballpen – Di hamak na mas mahal siya sa Panda Ballpen. Sosyalin at naka-case pa. Pero ballpen nalang ba ang sagot sa mga taong walang maisip na panregalo sa lalaki? Actually, nakaka-5 parker ballpen ang daddy ko tuwing pasko galing sa kanyang staff. Kaya ayun, pinanreregalo din nya sa iba. Hahaha.
  • Angel Figurine - ‘wag naman tayong magbigay ng figurine kung alam naman nating hindi figurine collector ang pagbibigyan. Ito ang isa sa mga bagay na nireregalo para lang masabi na nagregalo ka. So far, may 30+ na akong angel figurine kaya nagmukha na rin akong collector.

Ibang halimbawa ng mga nakakaumay na regalo ay Paper Weight, Mug, Stuffed Toy w/ googly eyes, Pen Holder at iba pang pampasikip sa bahay.

Gasgas na gasgas na ang linyang it’s the thought that counts. C’mon, be true to yourselves! Of course everyone wants to receive things they like, right? Sa pagbibigay ng isang regalo, kailangan natin lagyan ng puso. Hindi ba’t mas thoughtful kung pinag-isipan kahit papano ang ating ibibigay? Lagyan natin ng personal touch o iakma sa taong pagbibigyan. Kahit mura o simpleng bagay lang. Last year, binigyan ako ng kaldero ng ate ko. Pinagtatawanan ko ang regalo nya sakin, pero ngayon, narealize ko na 1 taon ko na pala syang ginagamit panluto ng Lucky Me pancit canton…

…dalawang Christmas Party ang pupuntahan ko sa weekend. At ang wish ko, ‘wag naman sana ako makatanggap ulit ng bimpo.

At oo, nagpaparinig ako.

Related Posts with Thumbnails

Post to Twitter

[Back to Home]

2 Comments

  1. Posted by S O S Y A L E R A .net » Kris Kringle Ideas

    December 4, 2009 @ 12:39 am

    [...] so I might as well post some of my senseless suggestions. Last year, I posted an entry about sa Mga Regalong Nakaka-Umay and I hope this time, people would bother to give something more personal, useful and creative to [...]

  2. Posted by Kanapy.xmc.pl

    March 19, 2010 @ 10:17 am

    Kanapy.xmc.pl…

    Domy letniskowe skierowane do osób lubi?cych wypoczynek dalego od ha?asu miasta. Projekty domów letniskowych Ma?e kameralne domki mieszcz?ce w bryle tylko niebezu?yteczne miejsca u?ytkowe. Naturalna kondycja powoduje zmniejszenie wydatków budowy oraz o…

RSS feed for comments on this post · TrackBack URI

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin