Lucida DS Billboard
December 26, 2008 @ 11:45 am | Categories pinoy jologs culture
Nagdaan na ang pinaka-masayang okasyon sa Pilipinas. Pagkalipas ng Bagong Taon ay mamomroblema na ang mga single dahil Valentines Day na ang susunod na ipagdiriwang. Pero bago tayo mag-move on sa susunod na taon, kapansin-pansin parin ang mga samu’t saring pamaskong handog sa lansangan – mga parol, christmas lights at syempre ang mga billboards.
Bukod sa mga nakaka-iritang christmas greetings ng mga pulitiko na naka-tarpaulin, talagang na disturb ako nang makita ko ito along EDSA…

This is probably the most horrible photoshopped billboard I’ve ever seen. Hindi ba nila kayang pagsuutin ng Santa Hat si Gabby Concepcion o talagang nagrecycle nalang nang dating ad picture para hindi na madoble ang talent fee?
ganda mo na, yaman mo pa. mag Lucida DS na tayong lahat!
Lol! What a slogan.
Anyway, I know it’s late but I would like to greet everyone a Merry Christmas and a Prosperous New Year! Kahit hindi epektib, ‘wag natin kalimutang tumalon sa bagong taon, bumili ng mga prutas na bilog at magpagulong ng barya sa sahig.
 

