Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Archive for December, 2008

December 31, 2008 @ 3:55 am

Ultimate Pilipinong Makulit

From Jologs Socialite to Sosyalera.net, I would like to greet everyone a HAPPY NEW YEAR!

Hindi ko na lalagyan ng palabok ang aking salita. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat nang bumoto sa aking original blog na Jologs Socialite bilang Ultimate Pilipinong Makulit for 2008 sa GreenPinoy.com. Lahat nang kalahok ay sadyang makukulit, malamang ay nadaan ko lang sa pagsusuot ng bikini at konting karisma. Wenk! Tenchu ulit! Ang kyut nyong lahat at mabuhay ang mga Jologs na Sosyaaaaal! :D

Para sa may pakana nang botohan na ‘to, yung prize ko nga palang iPhone eh pakilagyan na rin ng MP3.

LOL!

Post to Twitter

Filed under sosyalera announcements · No Comments »

December 30, 2008 @ 5:37 am

2008 Pinoy Fashion Trend

Ang bilis ng panahon at lilipas nanaman ang isang taon. Excited na ako para next year dahil for the first time ay mae-experience ko na ang Year of the Ox nang may muwang. Taon ng Ox kasi ako pinanganak.  Anyway, dahil nauuso ngayon ang mga Year-end report sa balita, documentaries at blogs, kailangan ko rin mag recap sa mga So Everywhere Trends for 2008. Iba’t-ibang porma ang nauso at malapit nang malaos – mapa-baduy man o sosyalin. Pero ano nga ba ang mga umangat na japorms sa panlasa ng masang Pinoy?

Nawala sa limelight ang OPM Rock Bands (pwera sa E-Heads) at mas kinanta ng mga Pinoy ang music ni Rihanna at Chris Brown. Na-adik din ang iba sa pagtatagalog ng mga kanta nila. Naging R&B era ang taong ito kaya hindi nawala sa fashion trend ang mala-Rihanna Hairstyle. Ang iba, kahit hindi bagay sa kanila, sige parin. Ano nga namang paki ko, buhok nila ‘yon?

Naging makulay ang taong ito, parang rainbow ang mga tao kapag nag-stroll ka sa mall dahil sa colorful fashion of Bright and Neon Clothing. Nangunguna na dito ang Colorful Jeans, Shutter Shades at Scarves. Nagkalat rin ang mga mala-gift ribbons na Gossip-Girl-inspired Headbands at parang naging mandatory accessory ng mga teenagers.

Umusbong din ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng mga Patriotic Designed Apparel. Simple pero catchy ang drama ng mga Ninoy Shirts at Clothing by Francis M. Kadalasan ay makikitaan ang mga shirt na ito ng Philippine flag, National Heroes o mapa ng Pilipinas.

Para sa pormang retro, mapapansin na naging mabenta ang mga Jackets with prints all-over. Makulay, trendy at useful during cold season. ‘wag mo nga lang teternohan ng iba pang colorful na damit kung ayaw mong magmukhang optical illusion na nagkatawang tao. Ito ay nababagay sa mga funky, kikay, rockers at call center agents na nilalamig sa aircon.

At ang 2008 most popular fashion craze? Ang Emo Style!

Kung last year ay naging hit ang mga rakista, ngayong taon na ito ay shining moment ng mga Emo. Ang Emo ay isang music genre na nahahanay sa Rock. Unfortunately, naging term na ito para sa mga jologs sa tabi tabi na nakikigaya lang sa unique na pananamit at identity. So, ano nga ba ang pormang Emo?

1) Black-or-any-dark Outfit
2) Emo Bangs (na tinatakpan ang isang mata) effect
3) Black Eyeliner make-up
4) Coffin Bag accessory
5) Skinny jeans, Flashy belt, Black beaded bracelets (optional)
6) at syempre, hindi makukumpleto ang get-up kung wala ang kanilang makabagbag damdaming Emo Hand Signs…

Maaaring ang iba sa inyo ay pinagtawanan o nakigaya sa mga nabanggit na trend. In fairness, naaliw ang mga mata ko sa fashion epidemic na naidulot nila. Marami sa aking mambabasa ang guilty sa aking mga random bashing at naguilty rin ako dahil kung sino pa ang 90% na bumubuhay sa aking hits ay sila pa ang tinatamaan pero nag-eeffort na magcommend sa akin sa e-mail. Hahaha. Inulan ako ng kumento mula sa mga kabataang minsan nang nagpapicture sa Starbucks at mga miyembro ng Parokya ni Edward. But in the end, everyone just learned how to laugh at themselves. :)

To all, salamat sa pagdaan sa munting space ko sa internet ngayong 2008, at tumagal pa sana ang pamamalagi ng Sosyalera.net!

Post to Twitter

Filed under fashion, pinoy jologs culture · 1 Comment »

December 26, 2008 @ 11:45 am

Lucida DS Billboard

Nagdaan na ang pinaka-masayang okasyon sa Pilipinas. Pagkalipas ng Bagong Taon ay mamomroblema na ang mga single dahil Valentines Day na ang susunod na ipagdiriwang. Pero bago tayo mag-move on sa susunod na taon, kapansin-pansin parin ang mga samu’t saring pamaskong handog sa lansangan – mga parol, christmas lights at syempre ang mga billboards.

Bukod sa mga nakaka-iritang christmas greetings ng mga pulitiko na naka-tarpaulin, talagang na disturb ako nang makita ko ito along EDSA…

This is probably the most horrible photoshopped billboard I’ve ever seen. Hindi ba nila kayang pagsuutin ng Santa Hat si Gabby Concepcion o talagang nagrecycle nalang nang dating ad picture para hindi na madoble ang talent fee?

ganda mo na, yaman mo pa. mag Lucida DS na tayong lahat!

Lol! What a slogan.

Anyway, I know it’s late but I would like to greet everyone a Merry Christmas and a Prosperous New Year! Kahit hindi epektib, ‘wag natin kalimutang tumalon sa bagong taon, bumili ng mga prutas na bilog at magpagulong ng barya sa sahig. :)

Post to Twitter

Filed under pinoy jologs culture · No Comments »

December 18, 2008 @ 6:19 am

Hole Gear

With Manila’s normal 19°-21° temp this Holiday season, it’s better to have your fashionable wintry attire on. Introducing Hole Gear, an indie brand providing sweaters and jackets (w/ hoodies) perfect for the current cold weather.

For Prices, Availability and Terms of Payment:
HOLE GEAR
Email: holegear@yahoo.com
Text/Call: +63.906.2020.918; +63.918.6324.188

This is not another advertising rip-off. The owner is my personal friend who also came up with the designs together with his business partner. And I hope I get freebies from this. *Cough*

Post to Twitter

Filed under fashion · No Comments »

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin