Bonggang Regalo sa Iniirog
November 8, 2008 @ 11:03 pm | Categories dear sosyalera
Hi Leyn,
Kababasa ko lang ng sulat na ginawa ni pareng Popoy I. Tamang tama din ang huling post mo sa aking katanungan.
Ako po ay merong iniirog na ngayon ay nagtatrabaho na sa Singapore at sa katapusan ng Nov. uuwi siya dito upang magbakasyon at dahil na rin sa ito ang linggo ng kanyan kaarawan. Nung nakaaraang kaarawan ko nung Agosto na dinaluhan ng tatlong naglalakihang blogger na si Greenpinoy, King Daddy Rich at kayo po Bb. Sosyalera alam nyo naman po at naging mga saksi sa surpresa na ginawa nya para sakin. Siya ay biglang lumitaw sa pwet ng kotse ng isa kong kaibigan at sorpresang dumating sa aking kaarawan. Nagbigay nga rin pala siya sakin ng isang malupit na regalo na Sony Ericcson cellphone.
Gusto ko sanang humingi ng payo kung sa anu ang maari o magandang iregalo para sa kanya sa darating na kaarawan. Kahit hindi po mamahalin basta sweet at memorable na rin para sa kanya. Eto nga pala ang kanyang mga kinahihiligan:
- Libro
- Paintings
- Theater
- Yoga
- SPA
- Pilates (yung exercise)
- Kumanta
- Mga konting pampaganda gaya ng make-up at mga scrubs sa katawan at lotion
- Mahilig din siyang kumain gaya ko
- Ok naman sa kanya ang sumubok ng mga bagong bagay na hindi pa niya nagagawaSa ngayon ang nakaplano namin sa pag-uwi nya ay pagpunta sa isang Beach Resort sa Batangas overnight lang. Dun sa may Wake Boarding since parehas kaming hindi pa nakakasubok nun, kaso hindi ito sa araw ng kaarawan nya mismo. Sa kaarawan nya iniisip ko ang isang romantic dinner sa isang hotel which is hindi pa talaga namin nasusubukan talaga. Meron nga pala akong pinsan sa isang hotel sa Manila kaya 50% OFF daw ako, kaya makakatipid aku kung sakali. hehehe.
Ayun lamang sa ngayon, sanay makapagbigay po kayo ng inyong suhestiyon.
Lubos na sumusubaybay,
Axel
Dear Axel,
Salamat at naisipan mo ring sumulat sakin. Alam mo bang ito na yata ang pinakamahirap na tanong na natanggap ko, so far. Kaya wala akong matinong maisasagot. Hahaha. At dahil dito, kumunsulta ako sa isang batikang personalidad na si Don Romantiko. Ayon sa kanya, tutal ay mahilig sa paintings at art ang iyong girlfriend, bakit hindi mo sya bilhan ng Monalisa by Leonardo Da Vinci o ang sikat na Spolarium ni Juan Luna. Hahaha. Ewan ko nalang kung hindi pa siya masurprise.
Kidding aside, perpekto na ang mga ideya mo para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Pagdudugtong-dugtungin ko nalang lahat ng hilig nya. Pero syempre, lalagyan natin ng konting twist:
Get-away: Since naisipan mo na rin lang naman ang Wake Boarding at dama kong kikay ang iyong iniirog, pwede mo syang bilhan ng swim suit at mga lotion na gagamitin nyo sa inyong beach getaway. Kumbaga, parang ikaw ang mag-eempake para sa kanya. At dahil tag-ulan, mailap ang mga swimming attire ngayon. Pwede kang mag-window shop sa Nothing But Water (Trinoma) or Wet Shop (The Block); hindi mawawalan ng summer get up dun. Masarap ang feeling pag makikita mong ginagamit nya ang regalo mo habang nagbabakasyon kayo. Davaaah.

Pig-out: Eto ang araw ng inyong “wellness day”. For example – magpapa-spa sa Wensha nang umaga at magvi-videoke sa Red Box nang gabi. Eto rin ang tamang panahon para bigyan sya nang mga sweet things tulad ng chocolates at personalized cake. (Try mo yung ChocoPix Store sa Cubao kung gusto mong picture nyong dalawa ang design ng chocolate. Haha!) Sa gayon, ma-sspoil mo si loved one sa kanyang mga hilig.
Sosyalan: Matapos ang outing at chill out day, syempre kailangan ng isang sosyalan day. Mas kyut kung sasabihan mo sya na magpaka-pormal ng konti at salubungin mo sya with a bouquet of Carnations. Bago mag formal dinner sa sinasabi mong hotel, pwede kayong mag-drop by muna sa CCP at tignan ang mga exhibits ng modern artists. Currently, on-going ang “Blue Hour” at “Transmulation” art exhibits until Nov 23.
At dahil napaka-gastos ko mag-advice, sagarin na natin. Alam kong madumi ang isip ng iba dyan pero mas bongga kung mag-overnight na rin kayo sa hotel. Pwede mo na rin dito iset-up ang iyong extra gifts para sa kanya – tulad ng alahas, iPhone, susi ng brand new car at titulo ng lupa’t bahay.
Doon nyo na rin pwedeng isingit ang inyong pagyoyoga.
…
Ahahaha. Lol.
Ah, yun lang. Pasensya na’t napaka-idealistic ng aking sagot. Misyado naman kasing broad ang definition ng “perfect date” para pagkasyahin sa isang entry. Alam ko namang nasa diskarte at kindat mo lang ang sagot para ma-enjoy ang oras nyo na magkasama.
Nawa’y maging memorable ang kanyang pagdating! Enjoy at ingat.
Love Lots,
Leyn
 

