Starbucks Pose

October 5, 2008 - 9:39 pm

Pumunta ng Starbucks,
Umorder ng Frap,
Dalhin ang iyong Camera Phone
at siguraduhing may souvenir ka na…

Starbucks Pose!

Matapos ang Friendster Pose, eto naman ang naging IN - ang magpakuha ng litrato kasama ang iyong mamahaling Frap. Make sure lang na kita ang logo ng Starbucks habang pinipiktyuran ang sarili para isipin ng mga taong ibang level ang iyong mga tinatambayan.

Ahaha. Ewan!

Buying Starbucks drink doesn’t make you sosyal. I’ve already read a lot of rantings about feeling-sosy tambays na pa-chill-chill lang sa coffee shop na ‘to. Idagdag mo pa ang nausong Starbucks pose na ‘yan, oh yeah, ano nanamang meron? Ang pagpapa-picture kasama ng iyong Frap ang maikukunsidera kong highest level nang ka-jologan na magagawa mo sa pinakasikat na kapehang ito.

At kung itatanong nyo kung may Starbucks pose ba ako?

…not in my dreams.

Next Attraction: Okrayan Taym Episode 5

Comments are closed.