Bisayang HipHop

Filed under pinoy jologs culture

Makikita mo silang parang epidemya – nag-iinuman sa kalsada, nagdo-DOTA sa mga kompyuteran at nagrarap sa mga kanto. Sino pa ba edi ang mga talamak na Hip Hop. Minsan ko nang narinig na ang tawag sa poserong hippie ay BISHOP o Bisayang Hip Hop. Kahit hindi mo sila marinig mag-rap, tanga ka nalang kung hindi mo sila makilala. Isang tingin palang eh damang dama mo na ang aura ng mga BISHOP na ‘to:

Ang kanilang fashion statement? XXL T-shirt, Jersey, Tsinelas, Cap o Bandana, at syempre ang mga Marijuana bling bling. Samahan mo pa ng mga dirty-finger na pose at mga kakaibang hand signs.

Akala mo kung sinong mga cool, pero pag narinig mong mag-rap ay Nang ma-inlab ako sa’yo akala ko pag-ibig mo ay tunay… lang pala ang alam. Uso na rin ang mga kanta nilang magrarap tungkol sa lovelife tapos may revival na love song sa chorus. Yak.

Dito sa Pilipinas, naging bakya ang image ng mga hiphop. Hindi na-adapt ng Local Hiphop ang western approach o kahit man lang istilong Francis M. Sa ibang bansa ay talent ang pagra-rap at self expression ang hiphop style. Dito, ang iba ay nagpapaka-bishop lang para maki-IN sa mga pipichuging frat.

Kinuha ko nga pala ang mga pictures mula sa ibat’-ibang fraternity na nagkalat. O sha, magtatago muna ako, anytime kasi eh pwede na nila akong resbakan.

Post to Twitter

[ Back to Main Page ]