Archive for October, 2008

Spa in the City

October 29, 2008 - 9:47 am Comments Off

Hi leyn musta musta?

nakikita kita sa YM na online pero madaling araw. ndi na kita minemessage dahil parang nananaginip pa rin ako nun tuwing ioopen ko ang YM sa cellphone ko. ANW, natawa ako dun sa new entry mo tungkol sa mga masahista. parang nakakatakot naman yung mga picture. naalala ko nang mabasa ko to sayo na magtatanong pala ako ng mga magaganda at affordable na SPA na pedeng puntahan.

Hindi para sa akin, para sa parents ko. Naisip ko since malapi tna ang 24th year anniversary nila this December, bakit hindi na lang yun ang iregalo ko sa kanila sa anniv at sa pasko na rin. hahaha (kuripot mode).

San ba yung mga affordable pero hindi naman tulad ng nifeature mo sa blog mo ha na mga spa. kahit simpleng massage lang siguro.

Maraming Salamats,
Popoy I.

Dear Popoy I.,

Aloha! Maraming salamat sa pagiging isa sa mga suki ng Inbox ko. Na-appreciate ko at kay Sosyalera ka nagtanong knowing na napaka-undetailed ko sumagot. Haha. Anyway, hindi ako magmamagaling dahil hindi ko naman alam ang lahat ng spa sa buong Pilipinas.

For the benefit of all, I’ll be mentioning 3 Spas to represent low-priced, reasonable and luxurious way of pampering. If you are on a tight budget, why not try the Big Apple Express Spa. You get to have a whole body massage for only 299 pesos.

Pros: Inexpensive and easily located. The franchises are usually inside the malls. I know one branch operating in Gateway Cubao near the LRT 2 station. You won’t get intimidated coming in since the place is just like a commercial facial center.

Cons: Since it’s called, the “Express” spa, don’t expect royalty treatment. Everyone pays the same price as yours. Once you get the short therapy then your hour is over. Also, the room is not that private because you’ll have the massage together with other customers.

For weekend people who really intend for a wellness experience, they can visit the Wensha Spa in Manila CCP area. Their foot and body spa package rates 800 pesos only – including food, drinks and access to their pools, sauna and shower room.

Pros: Aside from the consumable spa package, customers will be given assigned lockers during the time of their stay. The ambiance is relaxing and fair enough for the few bucks paid.

Cons: I’m not sure if couples are allowed to be at the same room while the treatment is on-going. Rooms are separate for males and females. Also, if you live somewhere in the east side, then you’ll have a long way to travel just to get there. I heard Wensha also have a branch in Timog QC but not as good as what they have in Manila.

Privileged and spa addicts of course prefer to spoil their bodies in sumptuous places. If you’re one of them, prepare at least 6,500 pesos for a Chinese inspired therapy at the Chi Spa in EDSA Shangrila Ortigas.

Pros: The types of scrubs and oils that will be used are examined first depending on the customer’s preferences. They cater quality and imported products plus spacious and calm exclusive room for privacy. You will not just experience simple massage but cleansing, bathing and detoxifying procedures. Given that you paid for a high-priced spa, you won’t feel rushed at all.

Cons: Expensive.

Enough of that, I’m not even paid. In case you’re planning to treat your parents elsewhere, siguraduhin mo lang na wholesome ang spa na ‘yon. Nakakahiya naman kung mga mala-Maskuladong Masahista ang sasalubong sa inyo. But you know what, you have a brilliant idea in treating your parents para naman something new ang iyong gift. You still have time to research though. Advanced Happy 24th Anniversary kina Tito at Tita! ;P

Love Lots,

Leyn

Masahista

October 24, 2008 - 11:31 pm Comments Off

Leyn: Ui, may alam ka bang spa or massage center? Sobrang sakit na talaga ng likod ko. Di na kaya ng pain reliever.
Dax: Of course! May alam ako, pakita ko sayo yung place.

Pinakita sakin ni Dax ang isang website kung san makikita mo ang itsura nang spa na tinutukoy nya - cozy, peaceful, relaxing. Money worth it naman.

Kaso, sila ang magmamasahe sayo…

NYAAAAAAAH! Nang makita ko ang mga Maskuladong Masahista ay parang magic na nawala ang sakit ng likod ko. Wahahaha! Di ko yata ma-imagine na sila magmamasahe saken. Mas gugustuhin ko pa yata sa mga bulag na tig-100 pesos lang habang pinapanood ng madla na minamasahe sa gitna ng mall. Balita ko, may extra service daw ang mga Masahistang ‘to lalo na sa mga bading. Parang mga Tubero* lang.

Kaya sa mga gustong ma-encounter ang mga topless na masahistang ‘to, pasakitin nyo na ang mga likod ‘nyo!

I Drink Water. Therefore, I’m Rich.

October 20, 2008 - 10:14 am Comments Off

Last weekend, my best bud treated me porkchops for dinner. Habang bonggang bongga kong nginunguya ang aking pork ay in need ako ng panulak. A bottle of water on our table caught my attention, so I asked him the price, it’s 230php pala. Ganito na pala ang presyo ng tubig ngayon? Kaya ayun, napalunok nalang ako ng laway.

I understand, modern bottled water has more minerals, some ionized or came from the mountains i’m-not-familiar-with; which make them costly. Perfect for health concious people or for those who simply don’t care about the price of what they drink. Sa palagay ko, hindi dapat gawing mala-Frap ang pricey bottled water o gawin itong status indicator…

…one time kasi ay kumakain ako sa Mcdo at may 2 nagkukwentuhang JJs* sa tapat ng table ko. One of them was holding an Evian Mineral Water at paunti-unti pa nya itong iniinom. And obviously, her gestures were like - look people, I’m drinking Evian.

Yak. If I know, one time lang sya bumili at nirerefill nya lang yung bote. Wahaha.

Matatanggap ko pa kung bling h20 pa yun, which so far is the most expensive water. Kaya sa mga nagtatago at pinagkaka-ingat ingatan ang kanilang mga branded na bote ng tubig, isang malaking L-word para sa inyo.

LAGOK!

Bisayang HipHop

October 17, 2008 - 10:05 am Comments Off

Makikita mo silang parang epidemya - nag-iinuman sa kalsada, nagdo-DOTA sa mga kompyuteran at nagrarap sa mga kanto. Sino pa ba edi ang mga talamak na Hip Hop. Minsan ko nang narinig na ang tawag sa poserong hippie ay BISHOP o Bisayang Hip Hop. Kahit hindi mo sila marinig mag-rap, tanga ka nalang kung hindi mo sila makilala. Isang tingin palang eh damang dama mo na ang aura ng mga BISHOP na ‘to:

Ang kanilang fashion statement? XXL T-shirt, Jersey, Tsinelas, Cap o Bandana, at syempre ang mga Marijuana bling bling. Samahan mo pa ng mga dirty-finger na pose at mga kakaibang hand signs.

Akala mo kung sinong mga cool, pero pag narinig mong mag-rap ay Nang ma-inlab ako sa’yo akala ko pag-ibig mo ay tunay… lang pala ang alam. Uso na rin ang mga kanta nilang magrarap tungkol sa lovelife tapos may revival na love song sa chorus. Yak.

Dito sa Pilipinas, naging bakya ang image ng mga hiphop. Hindi na-adapt ng Local Hiphop ang western approach o kahit man lang istilong Francis M. Sa ibang bansa ay talent ang pagra-rap at self expression ang hiphop style. Dito, ang iba ay nagpapaka-bishop lang para maki-IN sa mga pipichuging frat.

Kinuha ko nga pala ang mga pictures mula sa ibat’-ibang fraternity na nagkalat. O sha, magtatago muna ako, anytime kasi eh pwede na nila akong resbakan.

Yabang

October 14, 2008 - 7:40 am Comments Off

Hindi ko kailangang purihin ang sarili ko tulad ng iba para lang basahin ng mga tao ang blog ko. Hindi naman pwersahan ang pagpunta dito. Nasa kaliwa nga pala ang aking badge dahil na peer pressure ako kay V. Haha. Anyway hayaan ko nalang na sila ang magsalita para sa akin.

Sosyalera is the epitome of poise and grace, of fashion and tastefulnes, and of intelligence. Every update is touched with humor yet still dripping with its sensible juice. More entertaining than watching your favorite porn flick… - www.kingdaddyrich.com

Maganda, Sexy, Matalino at may Humor iyan ang ilan sa mga katangian ni Leyn; Isang babaeng kahit di mo ikama eh mapapaligaya ka na nya dala ng mga hirit nya. - www.kokeymonster.com

Sosyalera is the hottest thing next to the biggies of fashion blogs, with all the fashion juices flowing out from all over it’s sweet and humorous entries. Sosyalera is one blog you can’t miss when you have to save yourself from office-boredom. - huwantso.blogspot.com

Maganda? Aba maganda! Sexy? Aba sexy! Mahinhin? Aba sexy! Mabuhay ka Leyn! Isa kang Pilipinong Makulit! - www.greenpinoy.com

gusto ko nga palang sabihin na binayaran ko sila ng tig-iisang daan para purihin ako. Hahaha. Pero kidding aside, salamat sa mga well-known websites na ito at sinusuportahan nila ang Sosyalera.net. Ang mga testimonials na ito ay para sa aking updated na About page. Pero sa totoo lang, ‘wag kayong misyadong maniwala sa kanila…

…dahil ang may-ari ng website na ito ay Mayabang, Matapobre at Panget.

Hindi ko nga alam kung bakit mahal ako ng mga kaibigan ko; samantalang ang iba ay walang ginawa kundi purihin ang sarili pero ang dami namang naiinis at pumaplastik sa kanila. Ironic no?

wag kang magmaganda kung balita nang mas panget ka, wag kang magpaka fashionista kung mumurahing damit lang ang kaya, wag mong isiping ika’y matalino at baka isampal ko sayo ang diploma ko, at wag mo akong aapihin kung hindi mo ako kayang bilhin.

Need I say more? :D

Okrayan Taym Episode 5

October 9, 2008 - 10:43 am No Comments

Lipatan? Plastikan? Isyu sa Awards? Love Teams at mga Break-Ups?

Akala niyo ba showbiz lang may mga ganito? Hindi. Talamak din ang mga ganitong isyu sa Blogosperyo. Para na rin itong industriya na may mga artista at manonood. Sa wakas nasundan na ang Okrayan Time nang Episode 5 featuring DJ-Unnamed at Don Romantiko. Para malaman ang mga walang ka-kwenta kwenta naming mga haka-haka, lakasan ang volume at i-Play na ang audio:


Disclamer: Ang Okrayan Taym ay isang segment na pinasimulan pa mula sa Jologs Socialite Blog. Kung ikaw ay KJ, sore loser at out-of-place sa aming pinag-uusapan, marapat lamang na wag nang makinig.

Starbucks Pose

October 5, 2008 - 9:39 pm Comments Off

Pumunta ng Starbucks,
Umorder ng Frap,
Dalhin ang iyong Camera Phone
at siguraduhing may souvenir ka na…

Starbucks Pose!

Matapos ang Friendster Pose, eto naman ang naging IN - ang magpakuha ng litrato kasama ang iyong mamahaling Frap. Make sure lang na kita ang logo ng Starbucks habang pinipiktyuran ang sarili para isipin ng mga taong ibang level ang iyong mga tinatambayan.

Ahaha. Ewan!

Buying Starbucks drink doesn’t make you sosyal. I’ve already read a lot of rantings about feeling-sosy tambays na pa-chill-chill lang sa coffee shop na ‘to. Idagdag mo pa ang nausong Starbucks pose na ‘yan, oh yeah, ano nanamang meron? Ang pagpapa-picture kasama ng iyong Frap ang maikukunsidera kong highest level nang ka-jologan na magagawa mo sa pinakasikat na kapehang ito.

At kung itatanong nyo kung may Starbucks pose ba ako?

…not in my dreams.

Next Attraction: Okrayan Taym Episode 5

Ang Pambansang Scarf

October 2, 2008 - 11:27 am Comments Off

Tag-ulan na! Malamig. Idagdag mo na rin na BER months na ngayon. Sa mga ganitong panahon, masarap ang may kayakap. Eh pano kung wala namang yayakap sa’yo. Walang magpapa-init ng iyong mga gabi. Ang solusyon ni Sosyalera - mag-scarf ka nalang, bitter!


Actually, cool na sana’t tanggap na ng Manila Fashion ang paggamit ng scarf knowing na mainit naman talaga sa Pinas; ang kaso, sinusuot nalang ‘to ng ibang tao for the sake na pamporma. Nangunguna na dito ang Arab Scarf. Currently, ito na ang uniform ng mga EMO-slash-JJs* people na nakikita ko sa mall, sa EDSA, Grand Central, at kahit sa schools. (Pasintabi nanaman sa ibang walang kamuwang muwang dyan).

At ang laging tanong ko, “ano bang meron” sa scarf na ‘to? Anong dahilan at sikat sya sa mga EMO kids ngayon. Umatake nanaman ang pagtataka ko kung bakit ganyang design nalang parati. Hindi ba pwedeng polka dots naman para siguradong konti lang ang katulad? Sa bagay, wala naman yatang Arab style na polka dots.

SPOTTED!


May 2 blogger friends ako na naka-Arab Scarf. Alam kong wala silang muwang. Ginawan ko nalang sila ng Emo bangs for anonymity. Sa mga bloggista dyan, hulaan nyo nalang kung sino…