Vandalism sa Bus
September 10, 2008 @ 10:11 am | Categories cheap thrills
Wanted sexm8, gurlz onli… 0917417****
0922455**** – Horny mama
CUTE TXTM8 0921799****
Ilan lang ‘to sa mga nababasa kong vandalisms tuwing sasakay ako ng bus. Pwedeng nasa likuran ng upuan, sa mga bintana o kaya mismong sa foam na uupuan mo. Luma na ang ganitong style ng desperadong paghahanap ng ka one-night-stand. Uso na kasi ang text at chat. Kaya matumal na ang mga kadiring vandalismo na dagdagan mo pa ng mga bastos na drowing gamit ang pentel pen.
Pathetic lang na akalain nyong nag-effort ang mga vandals na magsulat at mag-drowing. Ang ipinagtataka ko lang eh wala man lang bang nakakakita sa kanila habang ginagawa nila yon?

Isang araw ay sumakay ako ng bus, at naaliw ako sa vandalism na ‘to dahil may kilala akong Axel. Haha. Hindi ako nagdalawang isip na kunan ng litrato para ipakita sa aking mga friends.
Pagkatapos picturan, nakangiti pa ko ng bonggang bongga at paglingon ko sa aking kaliwa ay 3 lalaki pala ang nakatingin sakin habang natatawa. Akala nila siguro ay tine-take down ko ang number ng Axel na ‘yan.
Syet, nakakahiya ako!
Dahil dito, nilamon ako ng sarili kong tanong kasi nakita ako ng ibang tao habang ginagawa ko yon…
 

