Kabarkada kong Baduy
September 2, 2008 @ 12:43 pm | Categories dear sosyalera
Subject: Paano ko tutulungan ang isa kong barkadang napakabaduy pumorma?
Hello Leyn,
Nagulat ako nang malaman kong hindi nga scripted ang naunang liham sa iyo ni Gasul.
At dahil diyan ay naisip kong hingin ang iyong tulong tungkol sa masakit sa matang pananamit ng isa kong kaibigan na itatago ko na lang sa pangalang DYALIBI. Kung hindi ninyo naitatanong ay aminado naman siyang wala siyang taste sa pananamit (it’s just another normal day to see him in the office wearing a grayish green trousers longing for miss flat iron’s touch, brown synthetic leather sandals on the brink of retirement, faded orange T shirt emphasizing his bulging tummy).
At dahil very willing din siya por a meykober, naisip kong since ikaw ang talagang fashionista sa grupo natin, ikaw ang perfect choice para tulungan siya.
Mayroon ka bang tips na maaaring ibigay sa kaniya tungkol sa tamang pagporma? At dahil nariyan na lamang din tayo, sino-sino pa ba sa mga greenies ang nangangailangan ng isang LEYN MAKE OVER? At dahil naririyan pa rin tayo, ano ba ang iyong general tips tungkol sa pagdadala ng sarili para sa mga kalalakihan?
Ibalik ang dangal ng tigas-titig,
ELVEEE
Dear ELVEE,
Salamat sa effort. Actually, ayaw ko sana sagutin ang problema mo dahil kilala ko si DYALIBI. Haha. Hindi naman sya “baduy” manamit dahil hindi naman mala-table cloth ang kanyang sinusuot – maaaring “boring” lang. So, ano ang solusyon mapa-boring o baduy? Magbibigay ako ng mga basic tips for a start sa kanyang make-over:

1) Magsuot ng kulay green, creme at mga earthy colorerd shirts para sa sophisticated look. (hindi kulay matanda at hindi rin kulay pa-bagets). ‘wag malalaki ang prints na design ng top dahil lalo magmumukhang malaki ang built.
2) Kung magsusuot ng mga boring na kulay tulad ng black and gray, ternohan ng silver watch o light colored sneakers para ang ilang parte ng iyong pananamit ay flashy.
3) Magsuot ng appropriate size at hindi sobrang laki for your body figure. ang maximum ay 1 size larger.
4) Replace your black nylon jacket with a not-so-formal coat. Kung talagang gusto mo ng jacket, i-try ang mga happy colors tulad ng example sa taas.
5) Wag magsusuot ng faded-colored maong o blue jeans para hindi magmukhang “galing Saudi”. Dark Jeans and Khaki will do.
6) Palitan na rin ang iyong old school na leather sandals with crocs or the like para sa lazy day effect.
Aminin na natin na maling term ang ideya na comfortability is fashion. Kadalasan ay kailangan mong mag effort to look good. Payo ko lang ay pwersahin mong mag-shopping si DYALIBI kasama mo. Idiin mo rin sa kanya na ang pagbili ng tamang damit ay hindi makakasakit sa bulsa lalo na’t gagamitin nya to ng ilang taon. Ipagdukdukan mo rin na panghatak sa chicks ang magaling pumorma para ganahan syang umistayl.
Gusto ko nga rin palang i-make over si Ayz, sayang kasi ang skinny built nya kung lagi nalang siyang naka t-shirt. Parang gusto ko syang bihisan ng dainty clothing.
Note: Ang mga tips ko sa itaas ay inakma ko para sa kaibigan ng letter sender. Maaaring hindi ito bumagay sa ibang tao.
Love Lots,
Leyn
 

