Monthly Archives: September 2008

Atenista. Lasallista. Atellista.

Comments Off
Filed under fashion, friends

Sosyalera in a conference, talking to an Atenean and Lasallian friend.

FYI, my friends Macoy and Angela came from the 2 rival universities… and they’re actually a couple. Haha.

Hindi ko alam ang history ng school rivalry ng Ateneo at La Salle. People have the perception that these two giants are opponents in different fields – contests, work, showbiz, sports, money. Though in real life, sila sila rin naman ang magkakaibigan, magbabarkada at magso-syota. ‘Wag ka nang magkaila, kung isa kang Atenista ay malamang kahit isa ay may kaibigan kang taga-La Salle and vice versa. Ironic pero cool.

Bakit hindi nalang ibang eskwelahan ang pag-awayin… tulad ng UST at CEU. O kaya Adamson at UE. At mas malupit kung MCU at Fatima University. Wahaha! Nahihirapan tuloy ako kung anong Adidas jacket ang bibilhin ko. Months ago, the Ateneo-LaSalle collections were realeased. At tulad ng shutter shades, malamang ipa-customize ko nalang din.


Ayan, para walang magalit sakin.

Post to Twitter

Vaklushii

Comments Off
Filed under sosyalera's rants

Kung ang mga Manyak ang #1 sa listahan ko na pinaka-ayaw kong tao sa mundo, malamang nasa #2 ang mga Baklang Parlor. Don’t take it literally, hindi porket isa kang bakla at nasa parlor ka ay ayaw ko na sa’yo. Term ko lamang ito sa mga nabibilang sa 3rd sex na kung umasta ay parang mga walang pinag-aralan at walang ka-class class sa katawan.

Sila ang mga matatawag kong direchahang bakla at hindi gay dahil para sa akin ay mataas na salita pa ang gay na dapat lamang itawag sa mga edukadong 3rd sex. Lately kasi ay naiirita ako sa mga mala-baklang parlor sa aking paligid na walang ginawa kundi magmaganda kahit mukha silang mga kabayo. Pasintabi nalang sa mga kabayo dyan.

Paano nga ba ang asal ng isang Baklang Parlor:

  • Nang-ookray ng itsura ng iba pero ni hindi maitago ng make-up ang bruskong mukha.
  • Pilit nagdadamit babae, nagnanail polish, nagpapahaba ng buhok at pagkatapos ay babalandra sa madla.
  • Lantarang yumayakap at nanghihipo ng mga lalaki.
  • Feeling siga o lider at walang preno ang bibig kakatalak.
  • Ang tawag sa karelasyon ay isa lamang FuBu o Jowa at hindi man lang maituring na partner.
  • Feeling fashionista pero pag nasilip mo ang damit ay tatak BNY Jeans.
  • Malakas mamlastik kahit sa mga sariling kaibigan at kasama.
  • Feeling close sa mga magagandang babae dahil feeling nila ay magka-level sila. O kaya ay insecure sa mga magagandang babae kaya ginagawan nila ng chismis.
  • Pakiramdam nila na lahat ng biro at panlalait ay nakakatawa.

Ilan lamang ‘to sa aking mga naiisip, pero alam kong matatalino ang aking mga mambabasa para ma-distinguish ang gay sa bakla.

Bukod sa moralidad, nagkakaroon parin ng diskriminasyon ang 3rd sex community dahil ang ilan sa kanila ay hindi ipinapakita na dapat silang respetuhin. Unfair ito sa mga taong nararapat galangin. Sabihan nyo na akong judgmental at matapobre pero kung ang asal mo ay isa sa aking mga nabanggit, wag mo nang asahang bibigyan kita nang pansin sa cheap na ugaling ipapakita mo sakin.

Chaka!

Post to Twitter

Shutter Shades

Comments Off
Filed under fashion, feature

Call me outdated pero lately ko lang napansin na nauso pala ang Shutter Shades dito sa Manila. Ang mga shades na ito ay may Retro look because of its flashy colors and big size. This accessory originated in California year 2007 and was also featured in different magazines and runways.


Sorry pero dahil wala na akong oras mag window shopping, hindi ko alam ang feeling kapag suot mo ‘to. Ibig sabihin ba e magiging stripes din ang paningin mo or still the same eye view? Kung parang stripes man, ang lungkot naman nun!

Para ka lang nakatingin sa bintana na may window blinds. O kaya eh para ka namang nakakulong…

Kaya kung pwede akong magpa-customize ng sarili kong Shutter Shades, ganito para malinaw…

Ahahahaha. Parang tanga lang. ;P

Post to Twitter

Chubby Fashion: Plus Size Tips

Comments Off
Filed under dear sosyalera, fashion

Hi Leyn!

Found out your blog because of greenpinoy, nung ma-feature kang Pilipinong Makulit of the Month. I’m really into blog hopping kahit ang tanging blog ko lang naman e yung sa Multiply na super seldom ko pa i-update. Haha. Anyway, nakakatuwa kasi yung way ng pagsusulat mo, at na-e-entertain ako kapag binabasa ang entries mo. So girly! La lang, kikay na kikay. J

We also have something in common kaya siguro di ako tumigil hangga’t di ko nababasa lahat ng enties mo. Haha, adik. A un nga, we both value our friends a lot! At fan din ako (before) ng WWE, I love John Cena nga e. Kaya lang di nako nakakanuod ng TV ngayon, tuwing weekends na lang. So di na updated. L At yun lang, dahil atswali di naman ako sosyalera kundi isang plain girl lamang na ni hindi mo tatapunan ng second look kapag nakita. Naks, drama mode. Buti na lang may gwapong boyfriend. Ahahaha! Yabang e no. Tsk.

At dahil isa kang sosyalera na model type and katawan at pwedeng pang-FHM just as what I’ve read on one of your entries, and I’m pretty sure you really got that genius taste on fashion, ano bang bagay sa kin na may malapad na katawan sa kasamaang-palad e napagkakamalang mataba/chubby kahit di naman? Yeah, right. Lagyan mo ng baby fats si Vina Morales, ako yun. Kaya ayokong mag-gym e kasi baka ganun maging hitsura ko na muscle muscle ang katawan. Errrr.

Yun lang po, salamat!

Mimi

Dear Mimi,

Nagpapasalamat ako ng über sa sulat mo. Akalain ko ba namang may mga sumeseryoso pala sa pagbabasa ng blog ko hahaha. Dahil natuwa ako sa iyong mensahe ay uunahin ko na tong sagutin. I have no idea what’s your body type at kung gaano “kalapad” ang iyong katawan like the way you define it, so my tips would be in general. Lumang advice na ang wag magsuot ng clothes with big prints, with horizontal stripes and sleeveless tops. These are the basic DOs:

  • Stick to empire-cut tops
  • Wear neutral to dark colors. Maroon, mint green, dark brown and navy blue can be alternative to black. Just accessorize for the flashy effect.
  • Use small to medium sized shoulder bags. Over-sized bags will make you look bigger.
  • Switch from flats to wedges or mid-heels particularly on occasion

And these are the DONTs I usually see worn by plus size girls.

  • Avoid wearing belts, specially the high-waist style.
  • Don’t be too colorful. Lines due to flabs are too obvious with light colors.
  • Don’t wear flair skirts.
  • Choose your fabric, avoid shiny and silky ones.
  • Don’t wear waist-length top that exposes your hips.
  • Avoid Halter-tops.
  • NO to slouchy undergaments.
  • And lastly, don’t wear fit clothing. Just the right size with enough allowance.

I can’t elaborate them one-by-one, but believe me, they’re OFF. There’s this cliché that says always be sexy whatever figure you have. True. Pero kahit anong gawin natin, hindi tayo makakatakas sa mapanuring mata ng iba. Kultura na sa pangkaraniwang Pilipino na mas maganda ang sexy, mapatingin sa mga trying hard manamit at laitin ang mga may imperfections sa katawan.

Genes is a major factor with our body build so most of us have no choice. I get pity for some girls who are VERY insecure with skinny models that being like them is a BIG frustration. Phuuleez, you’ll never be on VS runway. Just think of your Plan B which is – to decide on the right clothing. Look sophisticated, classy and neat; quit the cheap, colorful, over-designed outfits especially if you’re already a working girl. You’d gain respect from the eyes of fashionistas if you dress elegantly rather than try hard.

Suggestion to Mimi, try to eat 2 cups of 0% fat free yogurts a day with regular meal. That was my brother’s secret diet when he needed to get slimmer for a commercial shoot. Costly but effective. If you’re really having a hard time making yourself slim, try to improve your hair and skin first. I bet you’re pretty naman, you won’t have a good catch guy if you’re not. ;P

I hope you get the point of my senseless answer. Hahaha. And by the way, ang peborit ko nga palang WWE wrestler ay si Shawn Michaels.

Love Lots,

Leyn

Post to Twitter

Vandalism sa Bus

Comments Off
Filed under cheap thrills

Wanted sexm8, gurlz onli… 0917417****

0922455**** – Horny mama

CUTE TXTM8 0921799****

Ilan lang ‘to sa mga nababasa kong vandalisms tuwing sasakay ako ng bus. Pwedeng nasa likuran ng upuan, sa mga bintana o kaya mismong sa foam na uupuan mo. Luma na ang ganitong style ng desperadong paghahanap ng ka one-night-stand. Uso na kasi ang text at chat. Kaya matumal na ang mga kadiring vandalismo na dagdagan mo pa ng mga bastos na drowing gamit ang pentel pen.

Pathetic lang na akalain nyong nag-effort ang mga vandals na magsulat at mag-drowing. Ang ipinagtataka ko lang eh wala man lang bang nakakakita sa kanila habang ginagawa nila yon?

Isang araw ay sumakay ako ng bus, at naaliw ako sa vandalism na ‘to dahil may kilala akong Axel. Haha. Hindi ako nagdalawang isip na kunan ng litrato para ipakita sa aking mga friends.

Pagkatapos picturan, nakangiti pa ko ng bonggang bongga at paglingon ko sa aking kaliwa ay 3 lalaki pala ang nakatingin sakin habang natatawa. Akala nila siguro ay tine-take down ko ang number ng Axel na ‘yan.

Syet, nakakahiya ako!

Dahil dito, nilamon ako ng sarili kong tanong kasi nakita ako ng ibang tao habang ginagawa ko yon…

Post to Twitter

Friendster Pose

0
Filed under cheap thrills, friends

Itaas ng konti ang camera phone,
I-tilt ang ulo patagilid,
Mag-slight side view,
ipilit na ikaw ay may dimples,
and say CHEESE!

Sino nga namang hindi makaka-distinguish sa tinatawag na Friendster Pose?


Sorry nalang sa mga kaibigang dinamay ko na hanggang ngayon eh nakikitaan ko pa ng “Friendster Pose”. Anuvah, antatanda nyo na! Nyahahaha.

Sino bang promotor neto, dinaig pa ang traditional na 1×1 picture. Aminin natin na nakakadaya ang ganitong anggulo dahil magmumukha kang cute. Pero in fairness ay nalalaos na ang FS pose dahil natabunan na sya ng Starbucks pose, Picture with bf pose at mga pictures na nilagyan lagyan ng mga clip arts sa gilid.

Baka naman sabihin nyo eh not guilty ako sa ideyang ‘to? Hindi no…


Wahahahaha. Tangina Yak.

Oo na, friendster pic ko yan 4 years ago. Kinabog ang modeling pictures ko. Sorry naman, nakiuso lang. :P

Post to Twitter

Pinoy Gossip Girl?

Comments Off
Filed under tv programs

Spotted!

The much awaited season 2 premiere has been aired. Gossip Girl season 2 posters issue was even reported in the news because of the explicit concept. I watched it over the internet because I have no time for TV. And for those who wasn’t able to view the first season 2 episode, this link might help. The moment I’m posting this entry, it’s not yet on youtube. Well, the premiere isn’t that bongga but their clothes are. Love Blair’s Balenciaga on the pool side scene.

Bago dumating ang season 2 ng Gossip Girl, I was browsing other blogs to check on the so-called Pinoy version of GG, Lip Gloss – airing on ch 5. Of course, the local program denies they’re copying GG but the heck with its trailer, obviously it’s another pirate.

My favorite GG character pa naman is Chuck Bass (and his nostrils), and in local version, Mikee from PBB acts the role of a jerk spoiled brat similar to Chuck. Ngek, if you watch their trailer… inapt casting, poor acting and english accent.

Just wondering how this local program will borrow/buy luxurious clothes just for 15 seconds exposure… and I haven’t watched any of their episodes yet so I definitely have no idea if the actors wear designers.

Oh well, looking forward for the next episodes of GG and more swanking from Chuck Bass.

Post to Twitter

Kabarkada kong Baduy

Comments Off
Filed under dear sosyalera
Subject: Paano ko tutulungan ang isa kong barkadang napakabaduy pumorma?

Hello Leyn,

Nagulat ako nang malaman kong hindi nga scripted ang naunang liham sa iyo ni Gasul.

At dahil diyan ay naisip kong hingin ang iyong tulong tungkol sa masakit sa matang pananamit ng isa kong kaibigan na itatago ko na lang sa pangalang DYALIBI. Kung hindi ninyo naitatanong ay aminado naman siyang wala siyang taste sa pananamit (it’s just another normal day to see him in the office wearing a grayish green trousers longing for miss flat iron’s touch, brown synthetic leather sandals on the brink of retirement, faded orange T shirt emphasizing his bulging tummy).

At dahil very willing din siya por a meykober, naisip kong since ikaw ang talagang fashionista sa grupo natin, ikaw ang perfect choice para tulungan siya.

Mayroon ka bang tips na maaaring ibigay sa kaniya tungkol sa tamang pagporma? At dahil nariyan na lamang din tayo, sino-sino pa ba sa mga greenies ang nangangailangan ng isang LEYN MAKE OVER? At dahil naririyan pa rin tayo, ano ba ang iyong general tips tungkol sa pagdadala ng sarili para sa mga kalalakihan?

Ibalik ang dangal ng tigas-titig,
ELVEEE

Dear ELVEE,

Salamat sa effort. Actually, ayaw ko sana sagutin ang problema mo dahil kilala ko si DYALIBI. Haha. Hindi naman sya “baduy” manamit dahil hindi naman mala-table cloth ang kanyang sinusuot – maaaring “boring” lang. So, ano ang solusyon mapa-boring o baduy? Magbibigay ako ng mga basic tips for a start sa kanyang make-over:

1) Magsuot ng kulay green, creme at mga earthy colorerd shirts para sa sophisticated look. (hindi kulay matanda at hindi rin kulay pa-bagets). ‘wag malalaki ang prints na design ng top dahil lalo magmumukhang malaki ang built.
2) Kung magsusuot ng mga boring na kulay tulad ng black and gray, ternohan ng silver watch o light colored sneakers para ang ilang parte ng iyong pananamit ay flashy.
3) Magsuot ng appropriate size at hindi sobrang laki for your body figure. ang maximum ay 1 size larger.
4) Replace your black nylon jacket with a not-so-formal coat. Kung talagang gusto mo ng jacket, i-try ang mga happy colors tulad ng example sa taas.
5) Wag magsusuot ng faded-colored maong o blue jeans para hindi magmukhang “galing Saudi”. Dark Jeans and Khaki will do.
6) Palitan na rin ang iyong old school na leather sandals with crocs or the like para sa lazy day effect.

Aminin na natin na maling term ang ideya na comfortability is fashion. Kadalasan ay kailangan mong mag effort to look good. Payo ko lang ay pwersahin mong mag-shopping si DYALIBI kasama mo. Idiin mo rin sa kanya na ang pagbili ng tamang damit ay hindi makakasakit sa bulsa lalo na’t gagamitin nya to ng ilang taon. Ipagdukdukan mo rin na panghatak sa chicks ang magaling pumorma para ganahan syang umistayl.

Gusto ko nga rin palang i-make over si Ayz, sayang kasi ang skinny built nya kung lagi nalang siyang naka t-shirt. Parang gusto ko syang bihisan ng dainty clothing.

Note: Ang mga tips ko sa itaas ay inakma ko para sa kaibigan ng letter sender. Maaaring hindi ito bumagay sa ibang tao.

Love Lots,

Leyn

Post to Twitter