Repost: Moleskine Mania
August 25, 2008 @ 5:33 am | Categories cheap thrills, pinoy jologs culture
Halos lahat ng mga artist friends ko ay meron nang Moleskine. Ako wala. Napa-isip ako na kailangan ko ng Moleskine dahil isa akong sosyal. Pero napa-isip rin ako na hindi ako bibili neto dahil ako nga pala ang nag-iisang jologs na sosyal.
Ano ba ang Moleskine?
Ayon sa Wikipedia: “Moleskine is a brand of notebook manufactured by Moleskine srl, an Italian company. Moleskine srl claims their notebook has been used by well-known artists and writers, such as Picasso, Matisse, and Hemingway.“
Pero kung babawasan mo ng E ang “Moleskine” at magiging “Moleskin”, eto ang lalabas: A moleskin is also a flesh coloured piece of covering for the genital area of a female. Hahaha! T*nginang yan.
Pero mabalik ako sa notebook, matagal na ako nakakita ng Moleskine notebooks sa Fully Booked, High Street at ang presyo ay tumataginting na 700-1000+ php. At take note, isa lang syang notebook. Sabi nila, kung ikaw ay writer, artist o trip lang maglustay ng pera, requirement na meron kang Moleskine:
Salamat kay Cholo para sa litratong ‘to. Recently lang ay bumili kasi sya. Siguro pag trip ko na mag show off tulad mo, saka na ako bibili ng notebook na yan…
For the meantime, eto nalang ang bibilhin ko.
Wenk. Ang Bakya. Beau-ri-foool!
 

