Chever Bilena
August 16, 2008 @ 9:30 am | Categories fashion
One time ay namimili ako ng panregalo sa Mall para sa friend kong may birthday. At dahil wala na akong maisip na ibigay ay napagdesisyunan ko nalang ibili sya ng Victoria’s Secret Lotion. Obviously, it’s a i-can’t-think-of-any-gift Gift. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan kung bakit patay na patay ang mga teenagers sa VS spray eh medyo amoy Air Freshener naman ang ilan sa mga scents.. o ito lang ang ginagamit ng iba para lang masabing may VS sila. Haha!
Anyway, habang namimili ako ng lotion ay napansin kong mura ‘to kaysa sa inaasahan. Dahil sa malabo ang mata ko eh mga ilang segundo pa bago ko nabasang ang hawak ko palang lotion ay hindi Victoria’s Secret kundi Ever Bilena!
Nyaaah! Ang brand ng mga *insertlunetapeoplehere*! Look, compare the pictures…

Ang pirata talaga ng Pinoy! Though I can’t tell if Ever Bilena has the permission from VS to copy their packaging. Pero kahit na. So misleading and unoriginal. Kaya dali-dali kong binalik ang lotion sa stall at lumingon sa paligid na baka may nakakita sa aking kaibigang sosyal.
And because of my disappointment,
I didn’t buy any gift for my friend.
I just told her this pamimirata kwento… and she was laughing out loud.
 

