Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Colorful Wig

August 26, 2008 @ 8:59 am | Categories friends


Isang tipikal na araw sa dati kong trabaho:

1) Dadating ako ng mga mga 30 minutes before our office hours. Bubuksan ang PC, YM at mga illegal sites habang kumakain ng Nissin’s Yakisoba.
2) Pangalawang dadating si Philippe, tatanungin ako ng “what are you doing?” at aayain akong magyosi.
3) Pagkatapos mag yosi, dadating si Jed. Nakangiti habang naglalakad at dala ang kanyang gitara.
4) Pinaka huling dadating si Dax. Mga 1hour late. Bubuksan nya ang kanyang malaking bag at mabubulabog ang aming pagtatrabaho…

Anong meron sa bag ni Dax?
Eto…

MGA WIG!!! Sa loob ng 8 oras na nasa opisina, mga 2 oras lang kaming nagseseryoso. Ang highlights ng buong araw namin ay magchismisan, magtawanan, magpicturan, magsuot ng wig/costume at kumain.

Ngayon, ang tipikal na araw ko ay pumasok, magseryoso, deadmahin ang break time sa dami ng ginagawa, kumain, magtrabaho ulit…

at lahat ng ito, ay ginagawa ko na nang wala sila. Wala nang Philippe na nangungulit na samahan ko syang magyosi, wala nang Jed na nagpipicture sakin tuwing patago akong natutulog at wala na rin si Dax na may dalang malaking bag na naglalaman ng makukulay na wig…

… at dahil dito, namimiss ko na sila.

Gusto kong batiin si Jed ng Happy Birthday sa darating na Aug 31. Isa siya sa mga naging totoo kong kaibigan, walang halong pambobola at walang halong kaplastikan.
Related Posts with Thumbnails

Post to Twitter

[Back to Home]

 

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin