Pages

Categories

Most Viewed Entries


Enter your e-mail address:








Archive for August, 2008

August 31, 2008 @ 9:59 pm

Ang Boyfriend Kong Sikat

“Lalapit ba ako? Or magsasabi ng hello?”
Tinanong sa self nang makita ka sa malayo,
Para kang celebrity, kilala ka ng lahat,
Sino naman ako, para sa tulad mong sikat.

I was like papampam at ikaw ay nilapitan,
Napakamot sa ulo, awkward sa kahihiyan,
Pero sa aking pag-approach, ako’y natabunan,
di ko akalain, na marami kang avid fan.

Ako’y na-supress at hindi man lang nakatyempo,
umalis palayo, winaksi ang pangarap ko,
Sa’king pagtalikod, iyo palang nasulyapan,
among the people na sa paningin mo’y,
umeepal at nakaharang.

Lumipas ang panahon, I did not make limot,
Isa paring taga-hanga, misteryo’y bumalot…
sa aura mong di mawari
if ako ba’y mapapansin,
I knew it nalang, nag-effort kang humanap sa akin.

Dumating ang Valentines, tangina I was lonely,
akalain mong nagtext ka! ‘kaw lang ang bumati,
eyes wide open, hair ko’y napa-fix,
di naman ako nag reg sa star text,
then send to 2366.

Dumalas nang dumalas, ako ay iyong dinate.
Nagsabi ka ng “ay lab yu”, para ‘kong na-inflate,
di maka-get over sa eksenang nagaganap,
ngayon ay tayo na, at may boyfriend akong sikat.

Popular status mo’y naglaho sa’king isipan,
at mas humanga sa’yo, sa angking kabaitan,
fan mails ko’y naging love letters,
paghanga ko’y naging pagmamahal,
at ang mga wishes ay naging dasal…
na sana ikaw na ang lalaking,
sa akin magtatagal.

As of now, di na ikaw ang dating nakilala.
Di na celebrity, o high profile na artista.
Ikaw ang sa kasal ko’y, sasalubong sa may altar.
Ikaw na ang hari, sa puso kong nagmamahal.

Ngayon isa paring fan… nagbabantay sayo,
Habang ang iba’y humaling sa kasikatan mo,
Alam kong matapos pirmahan,
ang kanilang mga autograph,
hahalik sa ‘king labi at sakin lang haharap…

…wag sana ako lokohin na palabas lang pala lahat,
baka bigla akong matauhan sa pag sigaw ni direk ng “CUT!!!”

*a light poem, composed by yours truly. if you know me personally, ay magegets mo ‘to. haha.

Post to Twitter

Filed under personal whatnots · No Comments »

August 31, 2008 @ 4:26 pm

Eraserheads Con Cut

CON CUT? Na Cut na Concert!

The Eraserheads Reunion has been the talk of the town for the past few weeks. Cancelled once because of Marlboro’s pulled out sponsorship, the event still pushed through with restrained notice and advertisements.

Of course, yours truly, Sosyalera was there.

Despite the event’s discreet advertisements, dinagsa ito ng iba’t ibang klase ng tao: Authentic music lovers, Mga pa-Emo Kids, Late 20`s Generation, Conyo People at mga JJs (Jumping Jologs). Pero dahil ayaw ko makipagkiskisan ng braso sa mga JJs sa nasabing concert, mas ninais kong mag-stay sa labas ng venue at makinig nalang since open-field naman ang set-up.

After having dinner at High Street, we were listening to the band and noticed that Ely Buendia was wearing a pair of shades while performing. The first set lasted 1 and a half hour starting 8 pm. After that, there was this 15 minute break triggered by a timer countdown on the big screen… and history follows.

20 minutes na, tahimik parin ang stage. Then suddenly, Ely Buendia’s sister grabbed the stage for a stunning announcement – the concert is cut short because Ely got rushed to the hospital due to emotional stress. Stroke perhaps. There’s this news that his mother died 2 days before the concert. Almost everyone was in shock; I didn’t even hear loud BOOs from the audience. Sigh for me, I thought I’d be able to hear them perform my fave E-heads song Huling El Bimbo.

And the night ended with a consequence.

Kaya wala nang choice ang lahat kundi umuwing luhaan. Sa mga can afford, nagpuntahan nalang sa High Street; sa mga hindi ma-afford, nagpuntahan nalang sa Market! Market! At para sa mga JJs sagigilid, nagsiuwian nalang sila.

For the first time, ngayon ko lang nakita na maraming tao sa High Street na para bang may sale sa SM.


I got to meet some friends who were in the actual concert. Hindi daw mahulugan ng karayom sa loob ng venue na kailangan mong hithitin ang yosi mo pataas na para bang nag-ssnorkeling. So kamusta naman ang 1,300k na ticket? Hindi naman daw sayang kaso bitin.

Honestly, I feel sorry for 1) Ely Buendia and 2) the people who spent a thousand bucks for the ticket, came late and entered the grounds at the exact time the concert was cut.

Malas.

But LEGENDARY. Thanks to Eraserheads for capturing the hearts of many.

Post to Twitter

Filed under parties & events · Comments Off

August 26, 2008 @ 8:59 am

Colorful Wig

Isang tipikal na araw sa dati kong trabaho:

1) Dadating ako ng mga mga 30 minutes before our office hours. Bubuksan ang PC, YM at mga illegal sites habang kumakain ng Nissin’s Yakisoba.
2) Pangalawang dadating si Philippe, tatanungin ako ng “what are you doing?” at aayain akong magyosi.
3) Pagkatapos mag yosi, dadating si Jed. Nakangiti habang naglalakad at dala ang kanyang gitara.
4) Pinaka huling dadating si Dax. Mga 1hour late. Bubuksan nya ang kanyang malaking bag at mabubulabog ang aming pagtatrabaho…

Anong meron sa bag ni Dax?
Eto…

MGA WIG!!! Sa loob ng 8 oras na nasa opisina, mga 2 oras lang kaming nagseseryoso. Ang highlights ng buong araw namin ay magchismisan, magtawanan, magpicturan, magsuot ng wig/costume at kumain.

Ngayon, ang tipikal na araw ko ay pumasok, magseryoso, deadmahin ang break time sa dami ng ginagawa, kumain, magtrabaho ulit…

at lahat ng ito, ay ginagawa ko na nang wala sila. Wala nang Philippe na nangungulit na samahan ko syang magyosi, wala nang Jed na nagpipicture sakin tuwing patago akong natutulog at wala na rin si Dax na may dalang malaking bag na naglalaman ng makukulay na wig…

… at dahil dito, namimiss ko na sila.

Gusto kong batiin si Jed ng Happy Birthday sa darating na Aug 31. Isa siya sa mga naging totoo kong kaibigan, walang halong pambobola at walang halong kaplastikan.

Post to Twitter

Filed under friends · Comments Off

August 25, 2008 @ 5:33 am

Repost: Moleskine Mania

Halos lahat ng mga artist friends ko ay meron nang Moleskine. Ako wala. Napa-isip ako na kailangan ko ng Moleskine dahil isa akong sosyal. Pero napa-isip rin ako na hindi ako bibili neto dahil ako nga pala ang nag-iisang jologs na sosyal.

Ano ba ang Moleskine?

Ayon sa Wikipedia: “Moleskine is a brand of notebook manufactured by Moleskine srl, an Italian company. Moleskine srl claims their notebook has been used by well-known artists and writers, such as Picasso, Matisse, and Hemingway.

Pero kung babawasan mo ng E ang “Moleskine” at magiging “Moleskin”, eto ang lalabas: A moleskin is also a flesh coloured piece of covering for the genital area of a female. Hahaha! T*nginang yan.

Pero mabalik ako sa notebook, matagal na ako nakakita ng Moleskine notebooks sa Fully Booked, High Street at ang presyo ay tumataginting na 700-1000+ php. At take note, isa lang syang notebook. Sabi nila, kung ikaw ay writer, artist o trip lang maglustay ng pera, requirement na meron kang Moleskine:Salamat kay Cholo para sa litratong ‘to. Recently lang ay bumili kasi sya. Siguro pag trip ko na mag show off tulad mo, saka na ako bibili ng notebook na yan…

For the meantime, eto nalang ang bibilhin ko.

Wenk. Ang Bakya. Beau-ri-foool!

Post to Twitter

Filed under cheap thrills, pinoy jologs culture · No Comments »

About

Sosyalera.net is not just your ordinary fashion blog. The author gives fashion advices that are practically pleasing to the eye with a touch of observational humor and a bit of sarcasm...
[ Read More ]

Recent Posts

Archives


bloglovin