Buk Rebyu

November 18, 2008 - 12:33 am

*insertnameofbloggerhere*: leyn
*insertnameofbloggerhere*: hinihintay kong okrayin mo yung Twilight
Leyn: hahaha!
Leyn: naisip ko na yan.
*insertnameofbloggerhere*: iblog ko sana kaso marami akong kaibigan na nagbabasa nun.
*insertnameofbloggerhere*: ikaw nalang ang tanging pag-asa.

Mahaba pa ang naging usapan namin. Ang thought? Ang mga Twilight Book Review posts sa Multiply. I have nothing against the book itself, but with SOME readers who have been exaggerating their fanaticism to fit in.

Nagkalat na kasi ang mga walang ka kwenta kwentang Book Reviews ng Twilight sa Multiply na isinulat ng mga nakikigaya lang. Ang mga konklusyon tulad ng good read, beautiful at heart warming ay mga pang grade 1 adjectives.

A sensible review is written to be complete, rational and intelligent. And not for the sake of telling the whole world, Yes, I also read Twilight so I’m IN.

Nuff said.

Just listened to Good Times hosted by DJ Mo and Mojo Jojo in 89.9. They were talking about Twilight and there’s actually a fan group called, the TwiHard? Uh… Poor Robert Pattinson, got a lot of negative feedback from crazy fangirls for portraying Edward Cullen.

Ikaw? How far will you go?

Kikay Jeans

November 12, 2008 - 6:22 am

I’m not the Jeans type of person. You’d often see me in my dainty dresses and trademark leggings so I don’t have to invest on pants. Unlike my friends who spend a lot for a perfect pair with ‘that V mark’ on its pocket. Gas is also expensive; and if you infer to it as crude oil, you’re dumb.

Notice how popular the 80’s Colorful Jeans are? Yes they’re back! And so everywhere. Hindi pwedeng hindi ako makakita nang nakasuot neto sa 1 oras lang na nasa labas ako ng bahay. To the extent that some color combinations bug me. Be careful with how you match the colors, or else magmumukha kang promoter ng mga sumusunod:

If you think black is safe, well think again. Matching Orange Jeans with your Black shirt looks very Halloween and alternating Yellow can be your trick or treat costume as a Bumble Bee. If you hate Miss Ganda (the singer behind the tagalog version of Umbrella), but you match a black top with your Fuchsia pair - I’m sorry but you’re no different from her fashion sense.

Why not complement flashy jeans with neutral colored lengthy tops. Half of your body is enough for the contrast look. PRP or MNG printed shirts are okay. Topshop Petite tops are pretty too.

But since I’ve mentioned that these colorful garbs are already everywhere, I have no plans of buying one… unless my friends form a Bioman group and designate me as Pink 5, then I’ll consider.

Bonggang Regalo sa Iniirog

November 8, 2008 - 11:03 pm

Hi Leyn,

Kababasa ko lang ng sulat na ginawa ni pareng Popoy I. Tamang tama din ang huling post mo sa aking katanungan.

Ako po ay merong iniirog na ngayon ay nagtatrabaho na sa Singapore at sa katapusan ng Nov. uuwi siya dito upang magbakasyon at dahil na rin sa ito ang linggo ng kanyan kaarawan. Nung nakaaraang kaarawan ko nung Agosto na dinaluhan ng tatlong naglalakihang blogger na si Greenpinoy, King Daddy Rich at kayo po Bb. Sosyalera alam nyo naman po at naging mga saksi sa surpresa na ginawa nya para sakin. Siya ay biglang lumitaw sa pwet ng kotse ng isa kong kaibigan at sorpresang dumating sa aking kaarawan. Nagbigay nga rin pala siya sakin ng isang malupit na regalo na Sony Ericcson cellphone.

Gusto ko sanang humingi ng payo kung sa anu ang maari o magandang iregalo para sa kanya sa darating na kaarawan. Kahit hindi po mamahalin basta sweet at memorable na rin para sa kanya. Eto nga pala ang kanyang mga kinahihiligan:

- Libro
- Paintings
- Theater
- Yoga
- SPA
- Pilates (yung exercise)
- Kumanta
- Mga konting pampaganda gaya ng make-up at mga scrubs sa katawan at lotion
- Mahilig din siyang kumain gaya ko
- Ok naman sa kanya ang sumubok ng mga bagong bagay na hindi pa niya nagagawa

Sa ngayon ang nakaplano namin sa pag-uwi nya ay pagpunta sa isang Beach Resort sa Batangas overnight lang. Dun sa may Wake Boarding since parehas kaming hindi pa nakakasubok nun, kaso hindi ito sa araw ng kaarawan nya mismo. Sa kaarawan nya iniisip ko ang isang romantic dinner sa isang hotel which is hindi pa talaga namin nasusubukan talaga. Meron nga pala akong pinsan sa isang hotel sa Manila kaya 50% OFF daw ako, kaya makakatipid aku kung sakali. hehehe.

Ayun lamang sa ngayon, sanay makapagbigay po kayo ng inyong suhestiyon.

Lubos na sumusubaybay,

Axel

Dear Axel,

Salamat at naisipan mo ring sumulat sakin. Alam mo bang ito na yata ang pinakamahirap na tanong na natanggap ko, so far. Kaya wala akong matinong maisasagot. Hahaha. At dahil dito, kumunsulta ako sa isang batikang personalidad na si Don Romantiko. Ayon sa kanya, tutal ay mahilig sa paintings at art ang iyong girlfriend, bakit hindi mo sya bilhan ng Monalisa by Leonardo Da Vinci o ang sikat na Spolarium ni Juan Luna. Hahaha. Ewan ko nalang kung hindi pa siya masurprise.

Kidding aside, perpekto na ang mga ideya mo para ipagdiwang ang kanyang kaarawan. Pagdudugtong-dugtungin ko nalang lahat ng hilig nya. Pero syempre, lalagyan natin ng konting twist:

Get-away: Since naisipan mo na rin lang naman ang Wake Boarding at dama kong kikay ang iyong iniirog, pwede mo syang bilhan ng swim suit at mga lotion na gagamitin nyo sa inyong beach getaway. Kumbaga, parang ikaw ang mag-eempake para sa kanya. At dahil tag-ulan, mailap ang mga swimming attire ngayon. Pwede kang mag-window shop sa Nothing But Water (Trinoma) or Wet Shop (The Block); hindi mawawalan ng summer get up dun. Masarap ang feeling pag makikita mong ginagamit nya ang regalo mo habang nagbabakasyon kayo. Davaaah.

Pig-out: Eto ang araw ng inyong “wellness day”. For example - magpapa-spa sa Wensha nang umaga at magvi-videoke sa Red Box nang gabi. Eto rin ang tamang panahon para bigyan sya nang mga sweet things tulad ng chocolates at personalized cake. (Try mo yung ChocoPix Store sa Cubao kung gusto mong picture nyong dalawa ang design ng chocolate. Haha!) Sa gayon, ma-sspoil mo si loved one sa kanyang mga hilig.

Sosyalan: Matapos ang outing at chill out day, syempre kailangan ng isang sosyalan day. Mas kyut kung sasabihan mo sya na magpaka-pormal ng konti at salubungin mo sya with a bouquet of Carnations. Bago mag formal dinner sa sinasabi mong hotel, pwede kayong mag-drop by muna sa CCP at tignan ang mga exhibits ng modern artists. Currently, on-going ang “Blue Hour” at “Transmulation” art exhibits until Nov 23.

At dahil napaka-gastos ko mag-advice, sagarin na natin. Alam kong madumi ang isip ng iba dyan pero mas bongga kung mag-overnight na rin kayo sa hotel. Pwede mo na rin dito iset-up ang iyong extra gifts para sa kanya - tulad ng alahas, iPhone, susi ng brand new car at titulo ng lupa’t bahay.

Doon nyo na rin pwedeng isingit ang inyong pagyoyoga.

Ahahaha. Lol.

Ah, yun lang. Pasensya na’t napaka-idealistic ng aking sagot. Misyado naman kasing broad ang definition ng “perfect date” para pagkasyahin sa isang entry. Alam ko namang nasa diskarte at kindat mo lang ang sagot para ma-enjoy ang oras nyo na magkasama.

Nawa’y maging memorable ang kanyang pagdating! Enjoy at ingat. ;)

Love Lots,

Leyn

On National TV? Not.

November 6, 2008 - 4:37 am

Bloggers also have to protect their identities. It’s not a world of fame or a life you should be investing with. Yesterday, my collab KingDaddyRich has been persistently contacted by ABS-CBN for the program Rated K. Korina Sanchez showed interest in blogging world and wanted his blog to be featured…

Yes. On National TV.

My humble URL will be shown too in supporting for KDR’s interview with Korina.

And you know what? He decided to decline. If you’re no him, i bet you’re going gaga for the fame.

Beat that!

KukoRuKuko

November 3, 2008 - 7:55 am

Na-experience nyo na ba na: Umagang papasok ka sa trabaho/school, bagong ligo ka’t amoy baby cologne, malinis ang iyong mga kamay, sasakay ka ng jeep o bus at pag-abot mo kay mamang drayber ng bayad mo ay makikita mong napaka-dumi ng kanyang mga kuko at kulay grasa ang kamay!

Yak… Ew… Bleah… Alcohol please!

Pero hindi tungkol dyan ang sasabihin ko. According to A/W Runway Reports, uso na ang Reverse French Manicure for nail care. At dalawang klase sya…

Personally speaking, hindi ko trip ang pausong ‘to. Yung una, mahirap gawin. The second one, it’s just like manong driver’s dirty nails - with style. Pero syempre, kanya kanyang trip lang ‘yan. Ano nga namang pakielam ko sa mga kuko nyo?! Nagbibigay lang naman ako fashion update.

BTW, for girls who are tired of the same old Caronia brand, Sosyalera picks Guerlain or Paul and Joe nail enamel available in Rustan’s Department Store. Don’t expect them to be cheap because the price ranges from 800-1000 pesos. The packaging is nice though, but expect some nagging from your kuripot boyfriend - spending bucks for a little amount of coloring for your dead cells.

Spa in the City

October 29, 2008 - 9:47 am

Hi leyn musta musta?

nakikita kita sa YM na online pero madaling araw. ndi na kita minemessage dahil parang nananaginip pa rin ako nun tuwing ioopen ko ang YM sa cellphone ko. ANW, natawa ako dun sa new entry mo tungkol sa mga masahista. parang nakakatakot naman yung mga picture. naalala ko nang mabasa ko to sayo na magtatanong pala ako ng mga magaganda at affordable na SPA na pedeng puntahan.

Hindi para sa akin, para sa parents ko. Naisip ko since malapi tna ang 24th year anniversary nila this December, bakit hindi na lang yun ang iregalo ko sa kanila sa anniv at sa pasko na rin. hahaha (kuripot mode).

San ba yung mga affordable pero hindi naman tulad ng nifeature mo sa blog mo ha na mga spa. kahit simpleng massage lang siguro.

Maraming Salamats,
Popoy I.

Dear Popoy I.,

Aloha! Maraming salamat sa pagiging isa sa mga suki ng Inbox ko. Na-appreciate ko at kay Sosyalera ka nagtanong knowing na napaka-undetailed ko sumagot. Haha. Anyway, hindi ako magmamagaling dahil hindi ko naman alam ang lahat ng spa sa buong Pilipinas.

For the benefit of all, I’ll be mentioning 3 Spas to represent low-priced, reasonable and luxurious way of pampering. If you are on a tight budget, why not try the Big Apple Express Spa. You get to have a whole body massage for only 299 pesos.

Pros: Inexpensive and easily located. The franchises are usually inside the malls. I know one branch operating in Gateway Cubao near the LRT 2 station. You won’t get intimidated coming in since the place is just like a commercial facial center.

Cons: Since it’s called, the “Express” spa, don’t expect royalty treatment. Everyone pays the same price as yours. Once you get the short therapy then your hour is over. Also, the room is not that private because you’ll have the massage together with other customers.

For weekend people who really intend for a wellness experience, they can visit the Wensha Spa in Manila CCP area. Their foot and body spa package rates 800 pesos only – including food, drinks and access to their pools, sauna and shower room.

Pros: Aside from the consumable spa package, customers will be given assigned lockers during the time of their stay. The ambiance is relaxing and fair enough for the few bucks paid.

Cons: I’m not sure if couples are allowed to be at the same room while the treatment is on-going. Rooms are separate for males and females. Also, if you live somewhere in the east side, then you’ll have a long way to travel just to get there. I heard Wensha also have a branch in Timog QC but not as good as what they have in Manila.

Privileged and spa addicts of course prefer to spoil their bodies in sumptuous places. If you’re one of them, prepare at least 6,500 pesos for a Chinese inspired therapy at the Chi Spa in EDSA Shangrila Ortigas.

Pros: The types of scrubs and oils that will be used are examined first depending on the customer’s preferences. They cater quality and imported products plus spacious and calm exclusive room for privacy. You will not just experience simple massage but cleansing, bathing and detoxifying procedures. Given that you paid for a high-priced spa, you won’t feel rushed at all.

Cons: Expensive.

Enough of that, I’m not even paid. In case you’re planning to treat your parents elsewhere, siguraduhin mo lang na wholesome ang spa na ‘yon. Nakakahiya naman kung mga mala-Maskuladong Masahista ang sasalubong sa inyo. But you know what, you have a brilliant idea in treating your parents para naman something new ang iyong gift. You still have time to research though. Advanced Happy 24th Anniversary kina Tito at Tita! ;P

Love Lots,

Leyn

Masahista

October 24, 2008 - 11:31 pm

Leyn: Ui, may alam ka bang spa or massage center? Sobrang sakit na talaga ng likod ko. Di na kaya ng pain reliever.
Dax: Of course! May alam ako, pakita ko sayo yung place.

Pinakita sakin ni Dax ang isang website kung san makikita mo ang itsura nang spa na tinutukoy nya - cozy, peaceful, relaxing. Money worth it naman.

Kaso, sila ang magmamasahe sayo…

NYAAAAAAAH! Nang makita ko ang mga Maskuladong Masahista ay parang magic na nawala ang sakit ng likod ko. Wahahaha! Di ko yata ma-imagine na sila magmamasahe saken. Mas gugustuhin ko pa yata sa mga bulag na tig-100 pesos lang habang pinapanood ng madla na minamasahe sa gitna ng mall. Balita ko, may extra service daw ang mga Masahistang ‘to lalo na sa mga bading. Parang mga Tubero* lang.

Kaya sa mga gustong ma-encounter ang mga topless na masahistang ‘to, pasakitin nyo na ang mga likod ‘nyo!

I Drink Water. Therefore, I’m Rich.

October 20, 2008 - 10:14 am

Last weekend, my best bud treated me porkchops for dinner. Habang bonggang bongga kong nginunguya ang aking pork ay in need ako ng panulak. A bottle of water on our table caught my attention, so I asked him the price, it’s 230php pala. Ganito na pala ang presyo ng tubig ngayon? Kaya ayun, napalunok nalang ako ng laway.

I understand, modern bottled water has more minerals, some ionized or came from the mountains i’m-not-familiar-with; which make them costly. Perfect for health concious people or for those who simply don’t care about the price of what they drink. Sa palagay ko, hindi dapat gawing mala-Frap ang pricey bottled water o gawin itong status indicator…

…one time kasi ay kumakain ako sa Mcdo at may 2 nagkukwentuhang JJs* sa tapat ng table ko. One of them was holding an Evian Mineral Water at paunti-unti pa nya itong iniinom. And obviously, her gestures were like - look people, I’m drinking Evian.

Yak. If I know, one time lang sya bumili at nirerefill nya lang yung bote. Wahaha.

Matatanggap ko pa kung bling h20 pa yun, which so far is the most expensive water. Kaya sa mga nagtatago at pinagkaka-ingat ingatan ang kanilang mga branded na bote ng tubig, isang malaking L-word para sa inyo.

LAGOK!

Bisayang HipHop

October 17, 2008 - 10:05 am

Makikita mo silang parang epidemya - nag-iinuman sa kalsada, nagdo-DOTA sa mga kompyuteran at nagrarap sa mga kanto. Sino pa ba edi ang mga talamak na Hip Hop. Minsan ko nang narinig na ang tawag sa poserong hippie ay BISHOP o Bisayang Hip Hop. Kahit hindi mo sila marinig mag-rap, tanga ka nalang kung hindi mo sila makilala. Isang tingin palang eh damang dama mo na ang aura ng mga BISHOP na ‘to:

Ang kanilang fashion statement? XXL T-shirt, Jersey, Tsinelas, Cap o Bandana, at syempre ang mga Marijuana bling bling. Samahan mo pa ng mga dirty-finger na pose at mga kakaibang hand signs.

Akala mo kung sinong mga cool, pero pag narinig mong mag-rap ay Nang ma-inlab ako sa’yo akala ko pag-ibig mo ay tunay… lang pala ang alam. Uso na rin ang mga kanta nilang magrarap tungkol sa lovelife tapos may revival na love song sa chorus. Yak.

Dito sa Pilipinas, naging bakya ang image ng mga hiphop. Hindi na-adapt ng Local Hiphop ang western approach o kahit man lang istilong Francis M. Sa ibang bansa ay talent ang pagra-rap at self expression ang hiphop style. Dito, ang iba ay nagpapaka-bishop lang para maki-IN sa mga pipichuging frat.

Kinuha ko nga pala ang mga pictures mula sa ibat’-ibang fraternity na nagkalat. O sha, magtatago muna ako, anytime kasi eh pwede na nila akong resbakan.

Yabang

October 14, 2008 - 7:40 am

Hindi ko kailangang purihin ang sarili ko tulad ng iba para lang basahin ng mga tao ang blog ko. Hindi naman pwersahan ang pagpunta dito. Nasa kaliwa nga pala ang aking badge dahil na peer pressure ako kay V. Haha. Anyway hayaan ko nalang na sila ang magsalita para sa akin.

Sosyalera is the epitome of poise and grace, of fashion and tastefulnes, and of intelligence. Every update is touched with humor yet still dripping with its sensible juice. More entertaining than watching your favorite porn flick… - www.kingdaddyrich.com

Maganda, Sexy, Matalino at may Humor iyan ang ilan sa mga katangian ni Leyn; Isang babaeng kahit di mo ikama eh mapapaligaya ka na nya dala ng mga hirit nya. - www.kokeymonster.com

Sosyalera is the hottest thing next to the biggies of fashion blogs, with all the fashion juices flowing out from all over it’s sweet and humorous entries. Sosyalera is one blog you can’t miss when you have to save yourself from office-boredom. - huwantso.blogspot.com

Maganda? Aba maganda! Sexy? Aba sexy! Mahinhin? Aba sexy! Mabuhay ka Leyn! Isa kang Pilipinong Makulit! - www.greenpinoy.com

gusto ko nga palang sabihin na binayaran ko sila ng tig-iisang daan para purihin ako. Hahaha. Pero kidding aside, salamat sa mga well-known websites na ito at sinusuportahan nila ang Sosyalera.net. Ang mga testimonials na ito ay para sa aking updated na About page. Pero sa totoo lang, ‘wag kayong misyadong maniwala sa kanila…

…dahil ang may-ari ng website na ito ay Mayabang, Matapobre at Panget.

Hindi ko nga alam kung bakit mahal ako ng mga kaibigan ko; samantalang ang iba ay walang ginawa kundi purihin ang sarili pero ang dami namang naiinis at pumaplastik sa kanila. Ironic no?

wag kang magmaganda kung balita nang mas panget ka, wag kang magpaka fashionista kung mumurahing damit lang ang kaya, wag mong isiping ika’y matalino at baka isampal ko sayo ang diploma ko, at wag mo akong aapihin kung hindi mo ako kayang bilhin.

Need I say more? :D